ASBC pinarangalan sina Laurente, Gaspi at Picson | Bandera

ASBC pinarangalan sina Laurente, Gaspi at Picson

Angelito Oredo - December 29, 2016 - 10:00 PM

KINILALA ng Asian Boxing Confederation (ASBC) ang dalawang atleta at isang opisyal ng Association of Boxing Alliances in the Philippines  (ABAP).

Kabilang sina Criztian Pitt Laurente, Patricio Gaspi at Karina Picson sa mga pinarangalan sa Best of the Asians 2016 ng ASBC.

Ang Best of the Asians 2016 ay isang proyekto ng internasyonal na asosasyon kung saan 14 ang kinilala sa kanilang mga iniambag sa 14 na magkakaibang kategorya.

Isinagawa ang botohan sa pamamagitan ng social media kung saan tumanggap ang ASBC ng mahigit na 1,300 boto sa isinagawang proseso na nagpakita sa malaking pagpapahalaga sa sport.

Si Laurente ay kinilala bilang Best Asian Men’s Junior Boxers in 2016 sa 54 kilograms habang si Gaspi ay ibinoto bilang Best Asian Coach in 2016.

Si Picson, ang asawa ni ABAP executive director Ed Picson, ang napili bilang Best Asian Supervisor in 2016.

Isa pang Pilipino ang pumangalawa sa botohan para sa Referee & Judges category na si Cildo Doney Evasco.

Si Laurente ay napabilang sa national squad noong 2015 at nagpamalas ng matinding kalidad sa paglahok nito sa ASBC Asian Confederation Junior Boxing Championships at AIBA Junior World Boxing Championships. Naging tampok sa kampanya nito sa junior level ang pagwawagi para sa Pilipinas sa pinakaunang gintong medalya sa boxing tournament sa ginanap na Children of Asia Games sa Yakutsk, Russia.

Nagwagi sa botohan si Laurente (82%) kontra kay Damir Toybay ng Kazakhstan (6.4%) at Timur Merzhanov ng Uzbekistan (3.9%).

Kinilala rin ang nagawa ni Gaspi para sa Philippine boxing sa bansa at asosasyon.

Si Gaspi, na siya rin head ng ASBC Coach Commission, ay tinulungan ang Pilipinas sa pagwawagi sa AIBA Youth World Boxing Championships, sa ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships at pati sa Qualification Events sa 2016 Rio Olympics.

Isa rin sa naging basehan ay ang pagdedebelop nito kay Laurente upang iuwi ang unang titulo para sa Asya sa ginanap na Children of Asia Games na isang malaking pagbabago sa mga bansa sa Southeast Asia.

Nakuha ni Gaspi ang boto na 62% habang ikalawa si Galym Kenzhebayev ng Kazakshtan (13.1%) at Hiroaki Tanaka ng Japan (8.5%).

Pinuri naman ang maayos na pamamahala ng Pilipinas sa mga sa lokal at internasyonal na boksing sa pagbibigay ng pagkilala bilang Best Asian Supervisor in 2016 kay Karina Picson.

Tinagurian na “well experienced and one of the hardworking person in the Asian continent ay pinasalamatan ng organisasyon si Picson bilang top Supervisor sa matagumpay nitong pamamahala sa AIBA at ASBC events nitong 2016 at pagtungo sa iba’t-ibang lugar upang ibahagi ang kanyang natutunan sa mga multi-sport events.

Nakuha ni Picson ang kabuuang 50.2% na boto habang ikalawa si Yue Yan ng China (33%) at ikatlo si Aslan Igubayev ng Kazakhstan (7.9%).

Matatandaan na ang unang Best of the Asian awards for the 2012 winners were presented during the 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships in Subic Bay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Best Asian Man Elite Boxer ay si Rio 2016 Olympic Games gold medalist Daniyar Yeleussinov ng Kazakhstan habang ang Best Asian Woman Elite Boxer ay si Yin Junhua ng China na naging “most successful female athlete” sa kontinente sa nakaraang 2016 Rio Olympic Games.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending