SHOWBIZ 2016: HELLO & GOODBYE!
BABIES pa more!
Winelkam ng ilang kilalang celebrities ang taong 2016 kasama ang mga bagong panganak nilang mga baby. Isa-isahin natin ang mga dumating na angels sa buhay ng inyong mga idol.
JUANA LUISA: Si Luna ang ikatlong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na isinilang noong Jan. 8.
NYKE: Isinilang ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup ang panganay na anak nila ni Lloyd Lee noong Jan. 24 at pinangalanan nila itong Nyla Kelcey or Nyke.
LILY FEATHER: Ipinanganak ni Isabel Oli noong April 18 ang panganay na anak nila ni John Prats. Talagang iginawa pa ng mag-asawa ng sariling Instagram si Baby Lily kung saan nila ipino-post ang daily activities ng bagets.
AKEYA: Last July 29 isinilang ng girlfriend ni Jovit Baldivino na si Shara Chavez ang kanilang first baby.
STELLAR: Last April naman isinalang ni Chynna Ortaleza ang panganay na anak nila ng singer-actor na si Kean Cipriano. Kamakailan ay ipinost ng mag-asawa ang photo ni Baby Stellar ilang buwan matapos itong mabinyagan.
SEVE: Noong Sept. 30 naman nanganak si Toni Gonzaga sa first baby din nila ng asawang director na si Paul Soriano. Ang tunay na pangalan ni bata ay Severiano Elliot.
ISABELLA: Matapos ang ilang miscarriage, biniyayaan na rin sa wakas ng baby sina Mariel Rodriguez at Robin Padilla. Isinilang ng TV host-actress si Baby Isabella noong Nov. 15. But unfortunately, hindi nakasama ni Mariel si Binoe sa kanyang panganganak sa Amerika dahil hindi pa rin ito nabigyan ng US visa.
BABY BURNAND: Nanganak na rin ang model-TV host na si Georgina Wilson courtesy of her husband Arthur Burnand. Ito’y base na rin sa picture na ipinost sa Instagram ng ilang kapamilya nina Georgina at Arthur na kuha sa isang hospital.
ALFONSO: Proud daddy naman na ipinost ni Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda ang litrato ng panganay nila ni Neri Naig na si Baby Alfonso. Nanganak si Neri last November matapos makunan last year.
ANTONIO PRIMO: Noong Aug. 30 naman ipinanganak ni Iya Villania ang panganay nila ni Drew Arellano. Hands-on pareho ang mag-asawa sa pag-aalaga kay Baby Primo.
BABY RKHAMI: Bago mag-Pasko (Dec. 22) isinalang ng komedyanang si Cai Cortez ang first baby nila ng foreigner husband na si Wissem Rkhami.
Kung may mga cute na cute na baby na ipinanganak this year sa mundo ng showbiz, ilang kilalang celebrity naman ang namaalam na ipinagluksa ng buong industriya.
Isang pagpupugay ang muli nating ialay sa kanila sa nalalapit na pagsasara ng taong 2016!
GERMAN MORENO: Pambuwena-manong bad news sa mundo ng pelikula at telebisyon ang pagkamatay ni Kuya Germs sa pagpasok pa lang ng 2016 dahil sa cardiac arrest noong Jan. 8. Siya ay 82 years old.
URO DELA CRUZ: Hindi na nagising mula sa mahimbing na pagtulog ang kilalang direktor noong noong Feb. 4. Siya ang direktor ng longest-running gag show ng GMA 7 na Bubble Gang.
WENN DERAMAS: Na-shock ang buong showbiz industry nang mabalitang namatay na ang box-office director noong Feb. 28 sa edad na 49. Inatake sa puso ang comedy director habang patungo sa ospital kung saan unang isinugod ang kanyang kapatid na namatay din sa heart attack.
Ilan sa mga hindi malilimutang pelikula ni Direk Wenn ay ang “Tanging Ina” series, “Praybeyt Benjamin” at “Beauty And The Bestie.”
FRANCIS PASION: Heart attack din ang dahilan ng biglang pagkamatay ng direktor na siyang nasa likod ng hit Kapamilya series na On The Wings Of Love nina Nadine Lustre at James Reid. Natagpuan na lang siyang walang buhay sa kanyang bahay noong March 6.
MAX LAUREL: Cardiac arrest din ang sanhi ng pagkamatay ng dating character actor noong June 11. Siya ay pumanaw sa edad na 71. Nakilala at sumikat si Max sa pelikulang “Zuma” noong 1985 at sa sequel nitong “Anak Ni Zuma” noong 1987.
LILIA CUNTAPAY: Ikinaglungkot din ng industriya ng pelikula at telebisyon ang pagpanaw ng tinaguriang “Horror Queen” ng Pelikulang Pilipino na si Lilia Cuntapay noong Aug. 20, siya ay 81 years old. Balitang lumala nang lumala ang sakit niya sa spinal cord kaya nagkaroon ng ito ng kumplikasyon.
JOY VIADO: Namatay ang magaling na komedyana noong Sept. 10 sa edad na 57 dahil din sa heart attack. Bago ang kanyang pamamaalam, matagal na naospital si Joy dahil sa diabetes. Muntik pa siyang maputulan ng paa dahil sa kumplikasyon.
DICK ISRAEL: Pumanaw ang character actor noong Oct. 11 matapos sumuka ng dugo. Unti-unting nanghina ang veteran actor nang ma-stroke siya noong 2010. Ilang araw matapos siyang pumanaw, namatay na rin ang kanyang asawang si Marlyn na ilang linggo ring na-comatose.
DINAH DOMINGUEZ: Heart attack din ang dahilan ng pagkamatay ng dating singer-actress noong Oct. 14. Nagsimula siya sa showbiz noong dekada 70 at tinaguriang “Piranha Queen” o “Disco Punk Queen”.
BLAKDYAK: Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung pinatay o nagpakamatay ang singer-comedian. Natagpuang patay si Blakdyak o Joey Formaran sa tunay na buhay, sa loob ng kanyang kwarto noong Nov. 21 na nakabalot ng plastic ang ulo. Dating gumagamit ng droga ang komedyante.
LOLITA RODRIGUEZ: Sa edad na 81, namaalam ang award-winning actress noong Nov. 28, two months after she had a stroke sa bahay nila sa Hemet, California. Ilan sa mga classic films na nagawa niya ay ang “Tinimbang Ka Ngunit Kulang” at “Ina Ka Ng Anak Mo”.
BEBONG OSORIO: Noong Dec. 4 namatay ang magaling na actor-director sa edad na 74. Walang inilabas na balita kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw. Si Bebong ang nasa likod ng mga action films nina Rudy Fernandez , Robin Padilla, Bong Revilla, Lito Lapid at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.