7 patay sa "gang war" sa Caloocan City | Bandera

7 patay sa “gang war” sa Caloocan City

- December 29, 2016 - 04:55 PM

caloocan city

PITO ang patay, kabilang na ang mga menor-de-edad at isang buntis na babae, matapos ang pamamaril sa loob ng umano’y isang drug den sa Caloocan City noong Miyerkules ng gabi na inilarawan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na isang “gang war”.
Sa isang press conference, sinabi ni Senior Superintendent Robert Fajardo, Northern Police District head, na suspek sa pamamaril ang isang lalaki na ang target ay isa pang lalaki na nasa loob ng pinaghihinalaang drug den.
Idinagdag ni Fajardo na nakatakas ang target ng lalaki, dahilan para magsimula ang suspek na walang habas na pamamaril, na nagresulta sa pagkamatay ng mga biktima, kabilang na ang buntis na babae at sanggol sa kanyang sinapupunan.
Sinabi ni Fajardo na nasa loob ang mga biktima at gumagamit ng shabu nang mangyari ang pamamaril.

“Unfortunately, nakatakas sa kabilang bahay ‘yung target niya. Hinabol niya at nakita niya mga tao, na-praning na kaya pinagpuputukan sila,” ayon pa kay Fajardo.
Ngunit base sa naunang ulat, sinabi ng pulis na apat ang mga suspek na nakasakay ng mga motorsiklo kung saan dalawa rito ang nagpaputok ng baril sa mga bahay sa Block 17, Phase 8A, North Caloocan ganap na alas-9 ng kagabi. Nagsilbi naman ang dalawa na lookout.
Sinabi ni Fajardo na naaresto ang isa sa mga suspek, samantalang pinaghahanap na ang tatlong iba pa.
Binigyan naman ni dela Rosa ang Caloocan police ng 24 na oras para maglabas ng resulta ng kanilang imbestigasyon.

“Kung hindi ma-solve ‘yung kaso, i-relieve ko dapat ma-relieve. Sana matapos ang investigation at mahuli ang dapat mahuli. Gawin dapat nila lahat para mabigyan ng hustisya ang mga bata,” sabi ni dela Rosa.
Kasabay nito, sinabi ni dela Rosa na hindi dapat sisihin ang pulis sa nangyaring mga pagpatay.
“Onsehan ito sa drugs. Sana maliwanagan ‘yung publiko at ibang members ng media na nag-entertain ng idea na kagagawan na naman ito ng police at iniinsinuate na EJK (extrajudicial killings) ito. Sana ‘wag nating i-poison ang utak ng tao,” giit ni dela Rosa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending