(Movie Review) ANG BABAE SA SEPTIC TANK 2: Mabahong title, mabangong story | Bandera

(Movie Review) ANG BABAE SA SEPTIC TANK 2: Mabahong title, mabangong story

Djan Magbanua - December 29, 2016 - 11:39 AM

 

BAGO ko panoorin Ang Babae Sa Septic Tank 2 ay napaisip ako: Paano kaya palalabasin ng direktor ang septic tank dito?
Kwento ng indie direktor na si Rainier (Kean Cipriano) na may gustong gawing pelikula starring Eugene Domingo (na ginanapan ng mismong actress pero bilang isang OA demanding version slash pakelamera slash feeling superstar slash daming hanash slash….you get the point). Pinapunta sila ni Eugene sa isang spa resort kung saan pinag-usapan nila ang gagawing pelikula pero sa totoo ay parang binu-butcher ni Eugene ang istorya kahit na sinasabi nya sa bandang huli ay “suggestions” lamang ito.
Gusto ko ang cinematography nito. Maayos ang shots, lalo na ‘yung ilang shot in Baguio. Gusto ko ‘yung scenes na sa isang spa resort naganap ang pag-uusap at habang nagdidiskusyun sila ay sinubukan nila ang bawat treatments dito.
Maganda rin ang konsepto ng pag-iimagine ng scene ni Eugene habang binu-butcher, este, nagsa-suggest siya ng mga ibang eksena like kung paanong mas gusto niya si Jericho Rosales imbes na si Joel Torre bilang partner niya.
Sa acting, sa umpisa ay medyo hindi ko nakuha ang emosyon na dapat ibigay ni Kean, pero habang tumagal ay naramdaman ko yung character niya bilang si Rainier na nakikinig sa mga “suggestions” ni Eugene pero nakikita mo sa expression ng mukha niya na gusto na niyang mag-walk out dahil hindi na nga niya matagalan ang mga demands na pinagmumukhang suggestion ng bidang napili niya sa movie.
Magaling din si Eugene at tumatak sa akin ang linya nyang “What do I know, I’m just an actress.” Abangan nyo ang hugot scene nila ni Jericho. Plus ang pag-ala-Maricel Soriano niya sa “levels of hugots.” Nakuha niyang i-portray ang isang Eugene Domingo na pa-istar, feeling-sikat at demanding to the highest level all the while trying to pass it off na direktor pa din ang magpa-finalize ng lahat.
Very believable ang karakter ni Cai Cortez bilang production manager na tagapagitna between direk Rainier at ang pa-istar na si Eugene. As a supporting character she did an excellent job.
Hindi ko talaga na gets kung anong sense ni Khalil Ramos noong una. Wala siyang linya at puro pangiti ngiti na lang siya habang inuutusan lang ng karakter ni Cai na picturan siya while in the resort. Pero at the end naisip ko na para siyang ang stereotypical PA na nandun lang, taga-picture, tagagawa ng mga small odd jobs pero walang presensya talaga sa trabaho niya.
In the story nagustuhan ko ang punto ng karakter ni Eugene na si Eugene na gaganap na Romina sa pelikulang gagawin ng karakter ni Kean na isang direktor (whew!). Sino nga ba ang dapat masunod sa pelikula? Ang direktor? Actor? Ang audience? Dapat bang ipasok sa panlasa ng mga manonood ang mga pelikula lagi? Ano ba ang matimbang sa movie ang dami ng awards o dami ng pera na malilikom nito? Dapat bang may say ang actor/actress sa karakter nya o sa makakasama nya sa isang pelikula?
Sa nangyayari ngayon pasok ang mga puntong ito na gustong ipahiwatig ng Ang Babae Sa Septic Tank 2. Timely ika nga.
And on another note, ilan naman sa maliit na mga eksena sa movie ang pinansin ko tulad ng mga sumusunod:
Ang eksena kung saan si Joel ay pinapalayas ni Eugene para mapalitan ni Jericho. Nakakatawa ‘yung mukhang parang nalugi ni Joel. Nagawa pa niyang kausapin si Eugene habang nagna-narrate ito (na tinatawag na breaking the fourth wall kung saan ang isang karakter sa pelikula ay kinakausap ang manonood. See: Deadpool movie for referrence) pero dahil nga si Eugene at hindi ako (read: audience) ang kinausap niya baka ito ay breaking the third wall lang.
Jericho Rosales and Eugene kissing scene. Natawa ako rito pero yung mga katabi kong mga highschool students ang lakas mag- ewww (Sorry, Miss Eugene, pero natuwa pa rin sila sa movie mo.)
Tuwing lalabas si Echo ang ingay ng “ang gwapo talaga ni Jericho” comments nila (Sorry, naman Sir Joel Torre mga bata kasi e, pero ang galing mo pa rin).
Eugene Domingo playing the ukelele. Wow. Just wow. Ang galing tumugtog ni Uge. At ang singing voice, OK din! Ang dami pala talagang alam ng isang Eugene Domingo.
I love Hanna Ledesma’s portrayal as Kean’s wife. Dalawang eksena ko lang siya nakita pero naramdaman ko ‘yung pagiging rocky ng relationship nila na nag end to her leaving him.
May cameo si Bb. Joyce Bernal. Explanation? May. Cameo. Si. Direk. Joyce. Bernal.
Yung relationship advice ni Eugene sa karakter ni Kean about how you don’t make a movie to fix a rocky marriage. On point naman. Delivered na may ere at pagyayabang (in karakter kasi) pero on point. Watch out for that part kasi dito ko nakita ang lalim ng istorya.
And last but not the least, ang tagal ko inisip at in-anticipate kung paano lalabas ang septic tank sa Ang Babae Sa Septic Tank. Hindi ako na-disappoint. Abangan n’yo ‘yun.
Comedy? Check. Magandang istorya na may lalim at napapanahon? Check. Drama (kuno)? Check.
Mabaho man ang title, (pertaining to the septic tank ha) ay mabango ang istorya ng pelikula.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending