Ronnie nilandi si Julia; Joshua mas magaling pa kay Lloydie
IN fairness, almost full ang “#Kilig King” concert sa Kia Theater ng Hashtag member na si Ronnie Alonte. Dinagsa talaga ng fans ni Ronnie at ng Hashtags ang venue. Nakaka-enjoy naman ang show at ang daming guests, huh!
Kabilang na riyan siyempre ang co-stars ni Ronnie sa pinipilahang movie nila sa mga sinehan ngayon, ang “Vince & Kath & James,” na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.
Marami ang kinilig sa number ni Ronnie with Julia lalo na nu’ng biglang kabigin ng Hashtag member habang nakahawak sa baywang ng anak ni Dennis Padilla para mas dumikit ang katawan nila.
Nagulat ang audience lalo pa’t bigay todo rin naman si Julia na ipakabig ang katawan niya kay Ronnie.
For sure, may inggit at selos factor na naramdaman ang fans club ng ibang kalabtim ni Ronnie like ‘yung sa kanila ni Loisa Andalio at Sue Ramirez.
Samantala, sobrang laki na siguro ng tenga ni Joshua sa paulit-ulit niyang naririnig na papuri sa kanya ng mga kritiko at ilang MMFF executives sa performance niya sa “Vince & Kath & James” at pagkukumpara sa kanya kay John Lloyd Cruz.
May mga nagsasabi naman na mas magaling pa raw siya kay JLC noong kabataan nito. Pero ayaw isiksik ni Joshua ang mga ganitong papuri. Wish din namin for Joshua to have his own identity in this industry gaya ni JLC.
Pawang mga Star Magic stars sina Ronnie, Julia and Joshua na first time nabigyan ng ganito kalaking chance sa MMFF.
Bukod sa “Vince & Kath & James,” lead star din sa nag-iisang horror movie entry sa MMFF directed by Erik Matti si Ronnie, ang “Seklusyon.”
Kasama rin sa “Vince & Kath & James” ang iba pang Star Magic artists na sina Maris Rascal (bilang best friend ni Kath played by Julia) and Axel Torres (isa sa teammates ni James played by Joshua).
And speaking of “Seklusyon,” Star Magic artist din ang co-star ni Ronnie sa movie na si Rhed Bustamante.
Usap-usapan among showbiz kibitzers na isa ang child star na si Rhed sa mga makakalaban ni Nora Aunor na bida sa “Kabisera” for Best Actress sa MMFF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.