Ellen, Baste matagal nang may relasyon, pero bawal umamin | Bandera

Ellen, Baste matagal nang may relasyon, pero bawal umamin

Ervin Santiago |December 28,2016
facebook
share this

Ellen, Baste matagal nang may relasyon, pero bawal umamin

Ervin Santiago - December 28, 2016 - 12:05 AM

BASTE DUTERTE AT ELLEN ADARNA

BASTE DUTERTE AT ELLEN ADARNA

BAWAL bang umamin sa tunay nilang relasyon ang rumored couple na sina Ellen Adarna at Baste Duterte? Hanggang ngayon kasi ay iwas na iwas pa rin ang dalawa kapag napag-uusapan ang estado ng kanilang lovelife.

Kahit na nga very obvious nang may namamagitan na sa kanila ng presidential son ay ayaw pa ring aminin ni Ellen na magdyowa na sila. Kaya ang tanong ng madlang pipol, may kasunduan ba sila na huwag munang ibandera ang kanilang relasyon?

Dahil dito maraming namba-bash sa sexy actress, kesyo ang arte-arte raw ni Ellen, na kung makaasta akala mo raw kung sinong virgin. Sey pa ng mataray na netizen, sa dami raw ng mga lalaking dumaan sa kandungan ng dalaga ay hindi na bagay dito ang mag-inarte na akala mo’y si Liza Soberano o si Kathryn Bernardo.

Sa nakaraang panayam ng Tonight With Boy Abunda kay Ellen, natawa lang ito nang tanungin tungkol kay Baste. Sinabi nitong ipo-post na lang daw niya sa social media ang real score sa kanila ni Baste. Kaya naman hindi na nagpumilit pa si Boy Abunda na paaminin ang sexy star.

Pero sey ni Ellen, ilan sa qualities ni Baste na nagustuhan niya ay ang pagiging “caring” at “down-to-earth” nito. Wala rin daw arte ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya nag-swak sila sa isa’t isa.
Hirit pa ni Ellen, isa si Baste sa itinuturing niyang pinakamahalagang tao sa buhay niya ngayon.

Kung matatandaan naging kontrobersyal ang dalawa nang kumalat sa social media ang kanilang kissing photo. Parehong nagdenay noong una sina Ellen at Baste na may relasyon sila.

Ngunit sa panayam naman kay Ellen ng ilang reporter sa presscon noon ng seryeng Langit Lupa, hindi na nito diretsong masagot ang tanong kung magdyowa na sila ng anak ni Digong.

Basta ang nasabi lang ng sexy actress ay, “Siya na lang ang tanungin n’yo!” Reading bewteen the lines, naniniwala kami na may relasyon na nga ang dalawa, ang hindi lang namin magets ay kung bakit ayaw pang umamin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending