Kim pinaligaya ang mga inabandonang bata
HABANG busy naman ang lahat sa pagsalubong sa kaarawan ni Papa Jesus, binisita at pinasaya naman ni Kim Chiu ang mga bagets sa Concordia Children’s Services bago mag-Noche Buena.
Bukod sa mga Pamaskong laruan at pagkain, tsinika rin niya rin ang mga bagets na nakatira sa Concordia.
Nauna nang bumisita si Kim sa mga katutubo at abandoned children sa Bataan.
“Maraming salamat po sa lahat ng bumili sa bazaar ko sa Worldtrade and sa tulong n’yo sobra po silang masaya! Kung kaya ko lang ishare ang experience ko kanina, sobrang nakakatunaw ng puso.
“Sa simpleng bagay para sa atin malaking kasiyahan na ‘yun para sa kanila. Thank you everyone! Christmas is about giving and receiving, giving love and receiving love, happiness and contentment!
“Thank you also to #teamKIM sa buong pusong pagtulong sa akin today!!! thank you! #bataan2016,” ang makabuluhang mensaheng ipinost ni sa kanyang Instagram account matapos bumisita sa Bataan at Concordia sa Sta. Mesa.
Ang sister naman niyang si Kam Chiu ang punong-abala sa pag-aayos ng lahat ng coordination ng Christmas project ng Kapamilya actress.
Dito lang sa bansa nag-Pasko sina Kim, ngunit kahapon sabay-sabay na umalis ang magkakapatid at ilang mapangkin ng aktres papunta sa Hong Kong Disneyland.
Kumalat naman sa social media ang balita na noong morning ng Dec. 24 ay magkasama raw sina Kim at Xian Lim sa Cambodia para doon mag-Pasko at nag-trending pa nga ito. Pero nu’ng time na ‘yun daw ay on the way na ang grupo ni Kim sa Concordia kaya nagulat na lang sila kung bakita nag-trending ang chika na magkasama ang dalawa sa Cambodia.
Anyway, ang mahalag ay nakaalala si Kim na mag-share ng kanyang blessings na siya namang tunay na meaning talaga ng Pasko.
Samantala, ayaw nang patulan pa ni Kim ang mga bashers niya sa social media, mas gusto na lang daw niyang magpasalamat sa kanyang mga supporters at followers na walang sawang sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.
Sey pa ni Kim, habang patuloy daw ang pag-ulan ng blessings sa kanyang buhay ay hindi rin daw siya magsasawang i-share ito sa mga kapuspalad nating mga kababayan. Napakasarap daw ng feeling kapag nakikita niyang marami siyang napapasaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.