Andrea sasampalin si Dingdong dahil kay Megan | Bandera

Andrea sasampalin si Dingdong dahil kay Megan

- December 27, 2016 - 12:30 AM

andrea dingdong marian

SA pagpapatuloy ng maaaksyon, madadrama at nakakakilig na mga eksena sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood after Encantadia, narito ang mga magaganap tonight.

Nailigtas ni Pepe (Dingdong Dantes) ang kanyang pamilya sa kamay ng mga hostage takers sa pamamagitan ng pag-release ng kanyang Robin Hood arrows. Agad na natakot sina Chino, Chef at Llama kaya napilitan silang umalis ng bahay nina Judy (Jaclyn Jose). Ligtas na ang lahat, pero ngayong alam na ng pamilya ni Pepe na buhay siya, hindi maiwasang magalit ni Caloy (Gary Estrada). Hanggang ngayon kasi ay sinisisi pa rin ni Caloy si Pepe sa pagkamatay ni Cynthia.

Pag-uwi ni Pepe sa mansyon, tuwang-tuwa na si Leandro (PJ Abellana) sa binata dahil nakakuha ang matanda ng gold mula kay Wilson (Dennis Padilla). Napag-usapan pa nina Pepe at Leandro na balak nilang mag-undercover kay Maggie (Cherie Gil). Pero kahit masaya silang dalawa, malungkot at umiiyak naman si Venus (Andrea Torres).

She stops Leandro from entering the undercover mission dahil delikado daw ito. Magtatalo sina Pepe at Venus hanggang sa mapunta sa kanila ang usapan.

Inamin na ni Venus na mahal na mahal niya si Pepe. Pepe says na malapit na niyang mahalin si Venus.

Pero sasabat na rin ang dalaga at sasabihing hindi na, dahil bumalik na si Sarri (Megan Young). Hindi na nakasagot si Pepe, which confirms his answer. Hurt at heartbroken si Venus as she cries. Sasampalin na ni Venus si Pepe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending