2 patay sa kawatan, P1M tinangay mula sa tindahan sa Bacolod City | Bandera

2 patay sa kawatan, P1M tinangay mula sa tindahan sa Bacolod City

- December 26, 2016 - 05:49 PM

bacolod-city

BACOLOD CITY – NAGING madugo ang pagdiriwang ng Pasko sa isang tindahan sa Bacolod City.
Pinasok ng isang nag-iisang magnanakaw ang JDS Mindoro Enterprises Corp. sa Locsin st., Bacolod City, ganap na alas-7:30 ng gabi at pinagbabaril ang mga tao na nasa loob.
Patay ang may-ari at security guard matapos pagbabarilin sa ulo, samantalang sugatan naman ang tatlong Chinese national.
Natangay ng suspek ang P1 milyong kita ng tindahan sa loob sa loob ng tatlong araw.

Sinabi ni Chief Insp. Eugene Tolentino, Bacolod City Police Office Station 1 commander, na tinitingnan nilang anggulo ang inside job dahil pamilyar ang suspek sa operasyon ng tindahan.

Magsasara na sana si Changle Wu at kanyang empleyado ng tindahan nang biglang pumasok ang lalaki na armadong ng M-16 rifle at pinaputukan sila, kung saan tinamaan si Wu sa ulo.

Dead on the spot din ang security guard na si Jilbert Mayang matapos tamaan din sa ulo.
Sugatan din ang tatlong iba pa na Chinese national na nakilala na sina Yuan Long Hang, Zhang Xiao Dong at Wei Quang Hang.
Tinangay ng salarin, na nakasuot ng helmet, ang pera bago bumalik sa kanyang motorsiklo at tumakas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending