Sabik ng magka-BF at makapag-asawa | Bandera

Sabik ng magka-BF at makapag-asawa

Joseph Greenfield - December 21, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Ella ng Poblacion, San Miguel, Pangasinan
Dear Sir Greenfield,
May trabaho naman po ako ngayon at okay naman ang career ko bilang isang accountant sa isang private company. Ang problema ay umabot ako ng edad na 34 nang nananatili pa ring dalaga. May mga naliligaw naman sa akin, ang kaso hindi naman sila seryoso. Sa edad ko po bang ito ay matatagpuan ko pa kaya si Mr. Right at makapag-aasawa pa kaya ako? Sabik na rin po kasi akong magka-anak at magkapamilya. Pansin ko na successful naman ako sa career, boyfriend at family na lang ang kulang sa akin. Sana maturuan mo ako ng paraan kung paano magkaka-boyfriend at makapag-asawa? October 13, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Ella Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat napalayo ang pagtubo o pagdating ng kaisa-isang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, ang nakatutuwa ay mayroon ka nga nito. Ibig sabihin, kahit na medyo may edad ka na sa kasalukuyan, walang duda, hindi ka naman tatandang dalaga habambuhay. Sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkaka-boyfriend ka at magkakaroon ng karelasyon hanggang sa tuluyang makapag-asawa.
Cartomancy:
Six of Hearts, Seven of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.).Ang mga baraha ang nagsasabing sa sa kasalukuyang panahon na masaya ang mga tao dahil magpa-Pasko at magba-Bagong Taon, maaaring bago mag-Pasko, kaya’y pinaka-magatagal na sa unang quarter ng 2017, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo ang darating, mag-aahon sa iyo sa kalungkutan. Liligawan ka niya hanggang sa tuluyan mong maging boyfriend.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending