Magnitude 5.3 lindol sa Surigao del Norte
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.3 ang Surigao del Norte kaninang ng umaga.
Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology na maaaring magkaroon ng aftershock ang paggalaw na ito.
Naramdaman ang lindol alas-4:44 ng umaga. Ang sentro nito ay 14 kilometro sa kanluran ng Santa Monica at may lalim itong 49 kilometro. Ang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate.
Nagdulot ito ng Intensity V paggalaw sa San Benito, Surigao del Norte.
Intensity IV sa Santa Monica, Burgos, Dapa, Socorro, Pilar, Taganaan, Gen. Luna, Alegria, Bacuag at Sison sa Surigao Del Norte; Dinagat at Loreto, sa Dinagat Islands; Surigao City; Mayorga, Leyte; San Juan, Pintuyan, at Hinunangan sa Southern Leyte.
Intensity III naman sa Claver at Tubod, Surigao Del Norte, Cagayan De Oro City; Butuan City; at Palo, Leyte. Intensity I naman sa Gingoog, Misamis Oriental; at Mambajao, Camiguin.
May naitala naman ang mga instrumento ng Phivolcs sa Surigao City (Intensity IV), Cebu City (Intensity II) at Lapu-Lapu City (Intensity I).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.