Boyet Fernandez, balik-head coach sa San Beda Red Lions | Bandera

Boyet Fernandez, balik-head coach sa San Beda Red Lions

Angelito Oredo - December 19, 2016 - 10:00 PM

MAY nais kumpletuhing misyon para sa San Beda Red Lions si Boyet Fernandez.

Ito ay matapos kumpirmahin mismo ng pamunuan ng San Beda Lunes ng umaga ang pagbabalik ng 45-anyos na si Fernandez sa lungga ng mga Red Lions.

“After consulting with the school president, MVP confirmed last night the appointment of Boyet Fernandez as Red Lions head coach. I got the call from MVP late last night,” sabi ni San Beda team manager Jude Roque.

Matatandaang inihatid ni Fernandez ang San Beda sa pagtabla sa kasaysayan ng pinakamatandang liga sa bansa sa pagsungkit ng ikalimang sunod na korona at personal na dalawang sunod para sa kanya noong 2013 at 2014 bago na lamang nagtungo sa Philippine Basketball Association matapos na kunin ang serbisyo ng NLEX Road Warriors.

“It’s also a logical choice especially with the newly formed Cignal-San Beda D-League team, which Boyet will also handle,” sabi pa ni Roque.

Kinumpirma rin mismo ni NCAA ManCom chairman Jose Mari Lacson ang pagbabalik ni Fernandez.

Agad naman pinagtuunan ni Fernandez ang naiwang misyon sa Red Lions na nagawa nitong itulak sa pagpantay sa kasaysayan ng NCAA na limang sunod na pag-uwi sa korona subalit naiwanan nito para sa hinahangad na maging tanging koponan na nakaanim na sunod na pag-uwi sa titulo.

Dalawang taon hinawakan ni Fernandez ang Red Lions kung saan parehas nitong naihatid sa korona bago tumalon sa propesyonal na liga sa pag-coach sa Road Warriors.

Ilan sa kredensiyal ni Fernandez ang pagiging isang beses na champion coach sa PBA, Coach of the Year sa PBA (2007–08) at anim na beses na PBA D-League champion coach sa NLEX.

Kamakailan ay pinalitan ito ni dating Rain or Shine Elasto Painters coach Yeng Guiao.

Ookupahan ni Fernandez ang puwestong iniwanan ni Michael Jarin na matapos itulak ang Red Lions sa titulo ng ika-92 season ng NCAA ay nagpasyang lumipat sa kabilang liga na UAAP para hawakan ang National University Bulldogs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending