Duterte pinayagan ang pagpapalaya sa 20 political prisoners ngayong Kapaskuhan
SINABI ni abor Secretary Silvestre Bello III na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalaya sa tinatayang 20 political prisoners ngayong Kapaskuhan.
“Mga 20 (bilang ng mga political prisoner)siguro, mostly these are the sickly, elderly and women,” sabi ni Bello.
Idinagdag ni Bello na inaasahan ang paglaya ng 20 political prisoners bago mag-Disyembre 25, 2016.
Sinabi pa ni Bello na isa hanggang tatlo sa mga pakakawalang political prisoners ang sasama sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF).
Bukod sa pagiging kalihim ng DOLE, si Bello rin ang tumatayong government chief negotiator sa peace talks sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.