Ogie kay Vice: He’s a great person, gusto ko pa siyang makilala nang lubusan!
PURING-PURI ni Ogie Alcasid si Vice Ganda nang marinig niya itong kumanta sa Christmas Special ng ABS-CBN kung saan nagkasama sila sa isang production number.
Ayon sa ultimate singer-songwriter bumilib siya sa timbre ng boses ni Vice kaya talagang in-encourage niya itong karirin na rin ang pagkanta.
Kinausap daw niya si Vice sa rehearsal nila para sa ABS-CBN’s Christmas Special, “Kasi nu’ng kumakanta kami, sabi ko, ‘Alam mo, ginalingan mo ‘yung pagkanta mo. Magaling ka talaga, eh. Dapat mayroon kang isang solid na ballad na may hugot.’
“I really told him that. Ang sabi niya sa’kin, ‘Hindi naman ako sineseryoso ng mga tao. Gusto nila ‘yung mga joke-joke.’ Sabi ko, ‘Subukan mo lang kasi singer ka, eh.’ Hindi ko alam kung nakikinig siya sa’kin ‘nun. But I would love to write him a song,” kuwento pa ni Ogie sa nakaraang presscon ng Your Face Sounds Familiar Kids kung saan isa siya sa magiging hurado.
Sinabi rin ng mister ni Regine Velasquez na gusto niyang makatrabaho ang Unkabogable Star in the future – pwedeng sa concert or sa pelikula. Posible na raw itong mangyari ngayong nasa ABS-CBN na siya.
Dagdag pa ng singer-comedian, gusto pa raw niyang makilala nang husto si Vice dahil nararamdaman niyang mabait at “great person” ang gay comedian.
“Hindi naman din kasi kami nagkaroon ng maraming oras para makilala ang isa’t isa but it’s just that every time na nakakasama ko siya sa trabaho, dati nag-guest siya sa concert namin and then nag-guest ako sa Gandang Gabi Vice, there was this na hindi ko maintindihan, mutual respect.
“Siguro dahil singer din siya at comedian din so nagkaroon kami ng intindihan na…nagkakaroon kami ng rapport,” chika pa ni Ogie.
Magkasama nga-yon ang dalawa sa noontime show na It’s Showtime, isa sa mga celebrity hurado nga-yon si Ogie sa “Tawag ng Tanghalan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.