Erik Matti handa na sa muling paglipad ni Darna; nape-pressure sa fans ni Angel | Bandera

Erik Matti handa na sa muling paglipad ni Darna; nape-pressure sa fans ni Angel

- December 18, 2016 - 12:20 AM

erik matti at angel locsin

NAGBIGAY ng update ang direktor na si Erik Matti sa bagong movie version ng Darna ng Star Cinema.

Sa media conference naman ng “Seklusyon” na entry din sa MMFF 2016 sinabi ni direk na tuloy ba tuloy pa rin ang “Darna”.

Sa tanong kung si Angel Locsin pa rin ang bibida sa “Darna”, tugon ni direk, “Hindi ako makapili. Pero alam naman natin mula noon na si Angel talaga ‘yun e, so hintayin na lang natin kung siya ba talaga ang i-announce ng ABS-CBN.”

Inamin ni Direk Erik na nape-pressure rin siya sa fans ni Angel, “Kapag nakita mo ang Instagram ko, araw-araw, mag-post ka ng tungkol sa siopao, meron agad magko-comment, ‘Angel for Darna.’ Mag-post ka ng sunset, ‘Angel for Darna’ ang nasa Instagram ko kaya abangan na lang din natin,” kwento ng director na umaasang si Angel pa rin ang gaganap na Darna.

Marami na rin raw naihanda ang production para sa muling paglipad ni Darna, “Marami na kaming napi-prepare. We are just waiting to start the movie. Mahaba ang preparasyon para maumpisahan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending