NEW YORK—Kabilang si Pangulong Duterte sa listahan ng mga pinakamakapangyarihang tao sa mundo, ayon sa Forbes magazine.
Si Duterte ay ika-70 sa listahan, kung saan nasa unang puwesto si President Vladimir Putin ng Russia, ang “world’s most powerful person” sa ikaapat na taon, at nasa ikalawang posisyon si US president-elect Donald Trump.
Pumasok ang 71-anyos na si Duterte sa listahan pitong buwan mula nang mahalal bilang pangulo ng Pilipinas noong Mayo.
Ilang beses naibalita sa ibang bansa si Duterte dahil sa kanyang pagmumura at mga banta na lilipulin ang mga drug pusher at mga kriminal. Na-headline din siya nang magkomento sa isang misyonaryong Australian na ginahasa at pinatay noong siya pa ang alkalde ng Davao City.
Naging kontrobersyal din siya matapos insultuhin sina Pope Francis, UN Secretary General Ban Ki-moon at US President Barack Obama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.