Eugene kay Jericho: Ang sarap-sarap niya! Feeling ko si Kristine Hermosa ako!
UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Eugene Domingo na leading lady na siya ni Jericho Rosales. Sila ang magka-loveteam sa 2016 MMFF entry na “Ang Babae Sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough”.
Ayon kay Uge, kahit daw hindi siya kasingganda ng mga naging partners ni Echo sa mga teleserye at pelikula nito, ay nabigyan siya ng chance na maging leading lady ng Kapamilya award-winning actor.
“Ay ang saya niyang kasama! Refreshing siya. Ang galing-galing at ang sarap-sarap niya! Ha-hahahaha! Nakakakilig!” tawa nang tawang chika ng TV host-comedienne sa presscon ng “Ang Babae Sa Septic Tank 2” kahapon.
Dagdag pa ni Uge, “Ibang klase kasi si Jericho na leading man. Tsaka di ba, ang gaganda naman talaga ng mga nakaka-partner niya, lalo na si Kristine Hermosa, sa Pangako Ko Sa ‘Yo days pa lang, di ba? Kaya feeling ko ngayon ako si Tintin! Ha-hahaha!
“Si Echo kasi may way talaga siya na magpakilig, na kahit sinong babae ay kikiligin ka. Yung tingin o titig pa lang niya sa yo, parang ikaw na yung pinakamagandang babae sa balat ng lupa! Ganu’n siya at mapapanood n’yo yan sa pelikula namin,” sey pa ni Eugene.
Sa pagbabalik ni Uge sa big screen, perfect daw ang timing para sa sequel ng “ABSST2”, “Lahat kami na involved sa movie inspired! Ang ganda! Ang perfect ng timing. Ang perfect ng cast, perfect ang script. It’s a perfect family movie this Christmas!”
Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula kaya naman super happy ang buong cast and of course ang producer nitong si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films with MJM Productions, Tuko Film Productions at Buchi Boy Entertainment.
Kung ang focus sa paggawa ng films for international film festivals, itong “ABSST2” ay para sa mahihilig sa romantic comedies gaya ng ginagawa nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Sarah Geronimo at iba pang loveteams. Sa part one ng “Septic Tank” sumentro ang kuwento sa kahirapan ng ilang Pilipino, sa second installment ipakikita naman sa madlang pipol kung paano ba ginagawa ang mga romcom movies at kung ano nga bang pampakilig ang papatok sa masa.
“Laugh trip ito. Lahat sila ay kikiligin. Mararamdaman mong lahat kami ay in love,” ani Uge.
Bukod kay Echo, isa pa sa gaganap na leading man ni Eugene sa movie ang award-winning veteran actor na si Joel Torre. Kasama pa rin dito ang ilan sa original members ng cast sa part one tulad nina Kean Cipriano at Kai Cortez with Khalil Ramos bilang kapalit naman ni JM de Guzman na nasa unang installment din ng “Septic Tank”.
Showing na ito sa Dec. 25 nationwide bilang bahagi pa rin ng MMFF 2016. Ito’y sa direksyon ni Marlon Rivera sa panulat ni Chris Martinez.
Samantala, bukod sa patuloy na pag-ulan ng blessings sa buhay ng komedyana, happy na rin ang lovelife ni Uge ngayon. Inamin niyang finally ay in love na siya pero tumanggi siyang pangalanan kung sino ang lucky guy.
“Yes, I’m so in love!” ang chika ni Uge na ayaw nang banggitin kung showbiz o non-showbiz ang bago niyang dyowa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.