Ate Vi: Matalino at responsable po si Luis!
NOONG makausap namin si Lipa Cong. Vilma Santos tungkol sa ampon naming si Luis Manzano at sa girlfriend nitong si Jessy Mendiola, her usual “mother self” ang kanyang aura.
Never nga naman niyang pinanghimasukan ang anak sa usapin ng puso though talaga lang daw hindi mawawala sa kanya bilang ina ang usisain si Luis tungkol dito.
“He is a very bright man. Very responsible too. But still as a mother, siyempre nagpi-fish out din tayo ng mga bagay-bagay. For as long as he is happy and he makes other people happy also, siguro naman ay nagagawa ng anak ko ang tama,” sey pa ni kumareng ate Vi.
Okey naman daw sa kanya si Jessy. And for the sake of being fair sa lahat ng ipinakilalang babae ni Luis sa kanya, “Lahat sila gusto ko. Lahat sila naging bahagi rin ng family namin.
“At the end of the day, sila naman itong magsasama though we always tell Luis to really follow his heart. Kinukulit na nga namin iyan na bigyan na kami ng apo,” hirit pa ng napapabalitang uupo bilang hurado sa 2016 MMFF.
At kahit hindi na nga masyadong aktibo si Ate Vi sa showbiz, mas marami naman daw siyang oras para mapanood sa TV, sa I WantTV o YouTube ang mga paborito niyang shows.
Recently ay muling ginawaran ng parangal ng FAMAS si Cong. Vi bilang Presidential Awardee, for still being a movie queen and a showbiz icon na very positive ang impact at influence sa general public.
q q q
At dahil big fan daw siya ng “Mano Po” series ng Regal Entertainment, nangako si Ate Vi na panonoorin niya ang “Mano Po 7: Chinoy.”
Kung si Luis nga naman ay dinayo pa ang premiere night nito sa SM Megamall, promise naman ni Ate Vi sisikapin niyang mapanood ito sa big screen.
Hangang-hanga daw siya galing ni Richard Yap bilang aktor na aniya’y may sarili ring istilo sa pag-arte.
At siyempre pa sa mga kasamahan nito sa movie na sina Jean Garcia, Enchong Dee, Jake Cuenca, Janella Salvador, Marlo Mortel at si Jessy Mendiola nga.
Showing na ngayon ang latest offering ng Regal at inaasahang tatangkilikin din ito ng publiko kasabay ng kanilang pagki-Christmas shopping sa mga mall.
Sa totoo lang, nagmimistula ngang Pasko sa mga sinehan ngayon with the showing of films na hindi napili sa MMFF 2016.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.