Misis ni Ser Chief pinuri ng showbiz press
HINDI umeeksena ang asawa ni Richard Yap sa trabaho ng aktor gaya ng ginawa niya sa dinner after ng premiere ng “Mano Po 7: Chinoy.”
Matiyaga siyang naghintay sa asawa habang nakikipagtsikahan sa press habang katabi ang leading lady niyang si Jean Garcia.
Magandang attitude ‘yan dahil uso sa showbiz ang mga stage parents o stage wife or husband kapag sikat ang asawa. Nagiging dahilan sila kung minsan ng pagbagsak ng career ng isang artista, huh!
Balita namang isang faithful husband si Richard. Napansin nga lang ng press sa dinner na ‘yon, nawala na ang pagiging stiff at tahimik ng aktor na nagagawa nang chumika nang chumika, huh!
Anyway, for sure, very proud ang asawa ni Richard sa performance niya sa “MP 7.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.