'Mano Po 7' may 'K' makapasok sa magic 8 ng MMFF 2016, bakit nilaglag? | Bandera

‘Mano Po 7’ may ‘K’ makapasok sa magic 8 ng MMFF 2016, bakit nilaglag?

Cristy Fermin - December 12, 2016 - 12:05 AM

mother lily

PURO papuri ang tinatanggap ng “Mano Po 7: Chinoy” ng Regal Films. Lalo tuloy lumulutang ang mga tanong kung bakit hindi nakapasok sa mga pelikulang lahok sa MMFF ang proyekto.

Taun-taon kasi ay nakasanayan na ng mga kababayan natin ang panonood ng bagong atake ng “Mano Po” ng Regal, makinis na ang kuwento ay maganda pa lagi ang pagkakabuo ng pelikula, pampamilya ang makabuluhang proyekto.

Pero ayaw nang bigyan pa ng atensiyon nina Mother Lily at Roselle Monteverde ang hindi pagkakasali ng “Mano Po 7: Chinoy” sa MMFF, ang importante ay hindi pa rin naman nila mapagdadamutan ang manonood, dahil sa December 14 (Miyerkules) na ang pagbubukas ng pelikula sa daan-daang sinehan.

Sabi ng isang anak-anakan naming nakapanood nu’ng premiere night nito, “’Yun ang pelikula! Magagaling ang mga artista, maganda ang pagkakasulat ng istorya, hindi sayang ang oras at pambayad mo sa sinehan!

“Aba, hindi na simple ang panonood ng sine nga-yon, ilang kilong bigas na ba ang katapat ng ipambabayad mo sa takilya, di ba? Pero sa ‘Mano Po 7: Chinoy’, e, okey lang, sulit ang pampanood mo, pati ang traffic na mararanasan mo sa kalye.

“Mga de-kalidad na movies daw ang kailangan sa MMFF, sabi ng mga namumuno ngayon. Kung ganu’n, e, bakit nila inilaglag ang Mano Po 7? Napakaganda ng pelikula. ‘Yun pa ang hindi nila pinapasok?” naiinis na pagpansin ng aming kausap.

May katwiran ang katwiran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending