Osang ikinasal sa ikalawang pagkakataon sa lesbian lover: Natagpuan ko na ang forever ko!
IKINASAL sa ikalawang pagkakataon ang dating sexy actress na si Rosanna Roces sa kanyang lesbian partner na si Blessy Arias.
The intimate and simple garden wedding was officiated by Reverend Cresencio Agbayani of the LGBTS Christian Church. Ito ay ginanap Alexa’s Secret Garden sa Antipolo City.
Dalawa sa tumayong principal sponsors sa kasal nina Osang at Blessy ay ang Superstar na si Nora Aunor at ang direktor na si Adolf Alix, Jr.. Ang kaibigan naman ni Osang na si Butch Francisco ang naghatid sa kanya sa altar.
Nauna nang ikinasal sina Osang at Blessy nitong nakaraang September. Nagdesisyong magpakasal muli ang dalawa para makasama naman ang kanilang mga pamilya at kaibigan dito sa Pilipinas. Isang beaded, beige gown ang suot ni Osang sa kanilang garden wedding habang naka-black and white tuxedo naman ang kanyang asawa.
Kung matatandaan, i-kinuwento ni Osang sa isang TV interview na matagal na silang magkaibigan ni Blessy pero lately lang nila nalaman na mahal pala nila ang isa’t isa. Kaya nang magkaroon ng pagkakataon, sinubukan niyang makipagrelasyon dito.
“Alam mo yun? Naramdaman ko ulit for the first time na I was human. Buti na lang ni-ready ko yung sarili ko na single ako, para kapag dumating yung fore-ver ko, single ako. So alam mo yun, tumatak sa isip ko yun. Dapat pala marunong ka lang maghintay,” paliwanag ni Osang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.