Jen inokray ng bashers, di raw bagay sa bagong ka-loveteam
NAGMUKHANG bading si Jennylyn Mercado when she appeared on TV with her My Love From The Star leading man Gil Cuerva.
Kasi naman, long hair ang guy, ang ganda ng tabas ng mukha at super kinis, parang sarado lahat ng pores. Apparently, marami ang nakapansin na mas mukha pa siyang babae kaysa kay Jennylyn.
When netizens commented on one popular media, kulang na lang ay sabihin nilang mukhang bakla si Jennylyn.
“Sino lalake? Sino babae?” said one confused netizen.
“CONFUSING!!! SINO ANG LALAKE AT SINO ANG BABAE??? BABAE BA YUNG PUMUTING BORGY MANOTOC? LALAKI BA YUNG NAKABLUE?” came one guy’s sarcastic remark.
“Hahaha, kahit ako confused. Ang ganda nung lalake. As in mukhang magandang babae,” say naman ng isang fan.
Nagmahadera ang fan ni Jennylyn ang said, “Hiyang hiya naman c Jen s inyo…ang gaganda at popogi nyo cguro para mag react ng ganyan…puro naman kayo sa keyboard lng matapang. Move on…kahit ano pa sabihin nyo, Jen will never be affected. never nga sya nagreact ng nega sa mga social media accounts nya.”
Ang isa pang mukhang bading ay si Andrea Torres. Andrea hu? Siya ‘yung leading lady ni Dingdong Dantes sa isang soap opera na hindi masyadong nagre-rate.
Paseksi si Andrea sa teleserye nila, lumalaban ng kabugan kay Megan Young na isa rin sa leading lady ni Dingdong.
Bikini kung bikini ang labanan ng dalawa. While Andrea has a to-die-for-bod, sa face department ay hindi siya masyadong angat. Actually, mukha siyang beki. To put it bluntly, mas maganda pa sa kanya si Paolo Ballesteros na bida sa “Die Beautiful.”
That’s an honest opinion, ha. ‘Wag kayong magalit sa amin. Kung ano man ang inyong opinion, isaksak n’yo na lang sa baga n’yo and don’t start a war with us at hindi namin kayo uurungan.
Nag-deny nga pala si Andrea na may gap sila ni Marian Something. Parang pinalalabas na nagseselos itong si Marianita kay Andrea dahil sa sexy scenes nito with Dingdong.
What else is new? Hindi ba’t years ago ikinulong ni Marian si Heart Evangelista sa banyo when she learned from Heart na siya ang magiging leading lady ni Dingdong. Heart was brave enough to tell her ordeal from the hands of Marianita which happened during the shoot of “Temptation Island” sa Ilocos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.