Ayo: Mula promdi tungo sa champion coach | Bandera

Ayo: Mula promdi tungo sa champion coach

Angelito Oredo - December 08, 2016 - 11:00 PM

MINSAN pa pinatunayan ni De La Salle University Green Archers head coach Aldin Villadolid Ayo sa lahat ng mga nangangarap na may posibilidad na makamit ang kanilang ambisyon kahit na ikaw ay kinukunsidera na nagsimula sa isang probinsiya.

Ito ay matapos itulak ng 39-anyos mula Sorsogon City at nagtapos ng elementarya sa Colegio De La Milagrosa at high school education sa Our Lady of Peñafrancia Seminary noong 1994, ang uhaw sa titulo na DLSU Green Archers sa ikasiyam nitong titulo tungo sa kanyang pagtatala ng sariling kasaysayan.

“Whatever achievement na nakuha ko, malaking bagay ito sa mga coaches sa probinsiya na tulad ko ay nangarap,” sabi ni Ayo, na naging pinakaunang head coach na nakapag-uwi ng korona sa kanyang unang paghawak sa magkaibang koponan sa NCAA at UAAP men’s basketball tournament bilang rookie coach.

“It feels good but hindi ko iniisip iyun. Inisip ko lang maibalik ang championship sa La Salle,” sabi pa ni Ayo, matapos na nakamit ang bihirang prestihiyo bilang head coach na agad nakapagkampeon sa unang pagtuntong bilang coach sa NCAA at UAAP.

Hindi na rin bago sa tagumpay si Ayo matapos unang maglaro sa collegiate basketball para sa Colegio de San Juan de Letran noong 1998 hanggang 2001 at nakasama sina Kerby Raymundo at Chris Calaguio upang tulungan ang Letran Knights sa back-to-back NCAA titles noong 1998 at 1999.

Hindi rin makakalimutan ang pagtulong nito sa Letran na mapanalunan ang titulo noong 1999 matapos isagawa ang go-ahead layup sa Game One kontra Jose Rizal College (Jose Rizal University na ngayon) Heavy Bombers.

Nangako rin si Ayo na bibisita ito sa iba’t-ibang probinsiya upang makasalamuha ang ibang coaches sa kanilang offseason upang maengganyo na ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.
“This victory showed that province-based coaches have a chance to achieve in major Manila leagues,” sabi ng Philosophy graduate na si Ayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending