Mabubuo pa ba ang pamilya ngayong Pasko? (2) | Bandera

Mabubuo pa ba ang pamilya ngayong Pasko? (2)

Joseph Greenfield - December 04, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Elisa ng Plaza Aldea, Tanay, Rizal
Problema:
1. Magdadalawang buwan na pong hiwalay ang tatay at nanay ko, dahil may ibang pamilya na ang tatay ko, pero kahit may iba na siyang pamilya lagi pa rin siyang dumadalaw sa bahay namin at naguusap pa naman sila ng nanay ko. Mula ng mag-hiwalay ang mga magulang ko kaming tatlong magkakapatid ay dito naninirahan sa nanay ko at sabi nya sa amin, nasa tatay ko daw ang pasya kung iiwan nya ang babae nya ay payag naman daw si nanay ko na makipagbalikan para muling mabuo ang aming pamilya.
2. Itatanong ko lang kung sa pasko po bang darating may pag-asa pa kayang muling mabuo ang pamilya namin at may posibilidad kayang magkabalikan ang nanay at tatay ko? Yon lang ang wish ko po ang wih ko sa paskong ito at sana ay magkatotoo dahil pangako ko sa aking sarili ay bubuo ako ng simbang gabi? February 13, 1971 ang birthday ng tatay ko at October 10, 1972 naman ang birthday ng nanay ko.
Umaasa,
Elisa ng Rizal
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) habang Aquarius at Libra naman ang mga magulang mo ang nagsasabing compatible naman kayong tatlo, lalong-lalo na ang tatay at nanay mo, ganoon pa man, ganito ang sabi ng mga bituin: “Ikaw ang isa sa mga magiging susi, upang sila ay muling magkasundo at magmahalan na habang buhay.”
Numerology:
Ang birth date na 13 ng tatay mo at 10 naman angnanay mo ang nagsasabing compatible sila kaya sa sandaling hinikayat mo talaga silang magbalikan, sa bandang huli, wala silang magagawa kundi ang sumunod sa iyo, kaya nga umasa kang mabubuong muli ang inyong pamilya ngayong darating na Pasko.
Luscher Color Test:
Upang mas madali mong mapagkasundo ang inyong mga magulang, dapat na gumamit kayo ng kulay na berde sa inyong bahay. Kapag laging nakikita ng tatay at nanay mo ang kulay na green madali na nilang malilimot ang nakaraan, upang muli silang magsimula ng mas masaya at bagong buhay sa ngayon, sa piling ng kanilang mga tunay na anak.
Huling payo at paalala:
Elisa ayon sa iyong kapalaran hindi magtatagal araw o linggo na lang ang binibilang, sa pamamagitan ng effort mo, walang imposible, tulad ng nasabi na, ngayong Paskong ito muling mabubuo ang inyong pamilya at kailanaman hinding-hindi na kayo magkakahiwahiwalay pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending