Alden, Maine maikli ang exposure sa ‘Enteng Kabisote’, fans nabitin | Bandera

Alden, Maine maikli ang exposure sa ‘Enteng Kabisote’, fans nabitin

Reggee Bonoan |December 03,2016
facebook
share this

Alden, Maine maikli ang exposure sa ‘Enteng Kabisote’, fans nabitin

Reggee Bonoan - December 03, 2016 - 12:15 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

HINDI pa namin napapanood ang “Enteng Kabisote 10 And The Abangers” kaya hindi kami maka-relate sa kuwento ng kasama namin na sandali lang ang exposure nina Maine Mendoza at Alden Richards sa pelikula ni Vic Sotto. Bitin nga raw dahil sila pa naman ang inaabangan ng maraming nanonood.

Sa pagkakaintindi namin ay cameo role lang naman talaga ang magka-loveteam sa “Enteng Kabisote 10” tulad ni Pauleen Luna-Sotto na gumanap na bagong Faye sa buhay ni Enteng sa pelikula.

Kaya siguro hindi na pinadalo sa grand presscon sina Maine at Alden dahil hindi naman sila talaga ang ibinebenta sa pelikula, pero malaki pa rin ang naitulong ng dalawa dahil nanood talaga ang AlDub fans bilang suporta kay Bossing.

Speaking of Maine and Alden, naniniwala kami na malakas pa rin ang hatak nila sa mga tao. Balita namin, malaki ang naitulong nila sa Mirage Hatchback mula nang maging endorsers sila nito. Ito ang sabi sa amin ng branch manager ng Mitsubishi Citimotors sa Pasong Tamo na si Dang Balgos.

Bukod dito, kinumpirma rin sa amin na mabenta pa rin ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino na ineendorso naman ni Maine. Sa katunayan, pati ang kasama namin sa bahay ay nagsabing ito rin ang parati niyang binibili para sa mga anak niya.

Kahit kami ay bumibili rin ng CDO products, pabirito kasing baon ng anak naming si Patchot ang CDO Crispy Burgers.

Sabi nga ni Maine, “Fan talaga ako ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino ever since kaya happy ako na number one na siya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending