Pariseo, di publikano | Bandera

Pariseo, di publikano

Lito Bautista - December 02, 2016 - 12:10 AM

HUWAG tayong mabulid sa kasamaan, ang paghahanap ng ligaya at pagiging alipin ng laman; huwag mabitag ng diyablo sa kanyang panlilinlang. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Pag 22:1-7; Slm 95; Lc 21:34-36), sa huling araw ng karaniwang panahon.

Di nakapagtataka kung bakit marami ang kakampi ng kasamaan. Ang kasamaan ay dulot ng demonyo; ang kabutihan ay mula sa Diyos; at sakripisyo. Pribadong buhay ba ang siluin sa pakikipagtalik ang tauhang mga lalaki? Di kagalang-galang ang mambabatas na hayok sa laman, babae man o lalaki, bakla man o tomboy.

Di ba nakalaya ang mga mambabatas nang malaman ang katotohanan? O ayaw nilang lumaya. Ang taumbayan ay nakalaya nang malaman ang katotohanan na paulit-ulit na ikinubli ng hayagang pagsisinungaling at wagas na paninindigan para ikubli ang nakausli na.

Nakatutuwa na maraming pari sa Diocese of Malolos ang hindi bulag sa mga kasalanan ni D5. Kimi lang sila at ayaw pang tukuyin ang dapat tukuyin, kundi pahaging lamang sa mga homilia. Si D5 ay tulad na rin ni Marcos. Kapwa bartops, ibinaba ng Diyos ang matatayog nang malasing sa kapangyarihan at lumabis na. At itinaas ang…

Nasa Ebanghelyo rin na ang walang sala ay dapat unang pumukol ng bato sa babaeng bulid sa kamunduhan. Nang walang ibig pumukol, pinauwi ni Jesus ang babae at sinabing huwag nang magkasala. Pero, ang babae ay publikano. Ang tukoy ay pariseo; mas higit pa siguro kung saduseo.

Ang kamunduhan ay may paglalagyan sa anuman sa pitong eternal torture chambers sa impiyerno. At mas swak sa ikapito. Tatlo na ang nakasilip sa impiyerno: sina Jesus, anghel at Santa Faustina (madre noong 1930s), ang pinagpakitaan at kinausap ni Jesus kaya naisulat sa talaarawan ang nais ng Divine Mercy. Si Madre Faustina ay sinamahan sa impiyerno ng anghel para masilip ang mga bulwagan ng walang hanggang parusa’t pagkondena.

Sa kampanya kontra DPAs (deep penetration agents), libu-libo ang pinatay ng CPP-NPA-NDF, at may mga inilibing pang buhay (autopsy-forensic-patho). Nakalulungkot na kasama ang ilang pari sa mass liquidation. Nakapanlulumo na ayaw magsalita ni FVR sa pagpapahirap at pamamaslang ng kanyang sundalo.

Dahil nasangkot siya sa maling pagkakanlong kay Jun Lozada, nawala na ang paggalang ko sa kanya. Nang ihayag niya na inilihim ang pagpapalibing kay Marcos, di na siya madre dahil poot na ang nasa puso niya. Bumoto ang Supreme Court na ilibing na si Marcos. Sa Ilocos, sinimulan ang palowalo. Sana naman, binilang ng madre na ang huling araw ng palowalo ay siyam at doon na ililibing ang labi.

Umabot na sa 23 ang pinatay sa isang araw sa Barangay Bagong Silang, North Caloocan. Ang average ay 13. Ang Bagong Silang ang pinakamalaking barangay sa bansa at katabi lamang ng Barangay Gaya-Gaya, San Jose del Monte City, Bulacan. May mga tulak na lumikas pa-Bulacan, at doon sila napatay. Putok ng baril? Di na pinapansin yan sa Bagong Silang.

Dinalaw ko ang burol ni Ricky Agcaoili, ang haligi ng Bandera (kaagapay noon sina Ralph Chekee, Dan Mariano at Danny Florida) sa Bocaue, Bulacan, sa oras na kami lamang ng kanyang balo at dalawang matatandang kamag-anak ang naroon. Di ako personal na kakilala ni Ricky, maliban sa (aking) unang tabloid (Bagong Araw), na napaabot ko ng 120,000 sa loob ng apat na buwan lamang. Life is good, Ricky (parang nakita ko ang kanyang masidhing pagtango).

PANALANGIN: O Jesus ko, patawarin mo ang aming mga sala. Iligtas mo kami sa apoy ng impiyerno…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MULA sa bayan (0916-5401958): Protektado ng pulis ang mga adik middle class dito sa Tablas, Romblon. Ang tinokhang lang ay mahihirap. …0776

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending