Xian kampante na di aagawin ni Gerald si Kim
ITINANGGI ni Xian Lim na binalaan niya si Kim Chiu na huwag nang magpapabola uli sa ex-boyfriend nitong si Gerald Anderson.
Muli kasing magsasama ang ex couple sa bagong serye ng ABS-CBN na Ikaw Lang Ang Iibigin. At dahil nga rito kaya kumalat ang chika na natatakot daw si Xian na baka magkainlaban uli sina Kim at Gerald.
“Yeah, nabasa ko nga ‘yan sa Twitter, kung sinuman ang gumawa ng istorya na ‘yan. Wala, walang ganu’n,” ang sey ng binata sa isang panayam.
Dugtong pa nito, “Kapag tungkol sa trabaho, hindi kami nakikialam sa decision ng isa’t isa. Basta walang ganu’n.”
Sa isa pang hiwalay na interview sinabi naman ni Xian na very proud siya kay Kim dahil matapang nitong hinaharap ang mga bagong challenges sa kanyang career. At naniniwala siya na magiging maganda ang pagtanggap ng manonood sa serye ng KimErald. Ibig sabihin kampante siya na hindi trabaho lang ang gagawin nina Gerald at Kim – walang personalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.