Joyce Bernal nag-alangang gawin ang Vice-Coco movie
UMABOT sa mahigit kalahating bilyon ang kinita ng “The Beauty And The Bestie” nina Vice Ganda at Coco Martin noong nakaraang Metro Manila Film Festival 2015.
Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit alanganin talaga si direk Joyce Bernal na tanggapin ang bagong movie ng Unkabogable Star at Teleserye King na “The Super Parental Guidance”.
“Inisip ko kasi na baka sa akin pa bumagsak ‘tong mga ‘to, sa akin pa hindi kumita ng ganu’n kalaki, baka sa akin pa mapulaan na, ‘Oy anong nangyari? Pero after that, okay na. Bahala na si Batman,” napangiting sabi ni direk sa amin.
Tinanong namin kung kumustang ka-trabaho ang dalawang sikat na artista dahil aminado ang mga ito na takot sila sa bago nilang direktor.
“Okay naman sila, magaling sila, eh, they know their brand of comedy, nag-adjust ako nang bonggang-bongga, nahirapan talaga ako kasi iba ‘yung nakasanayan nila with regards to direk Wenn Deramas (SLN), meron na silang habit on how they do it. It’s very spontaneous, e, hindi katulad ko.
“Iyon kasi ang ipinaglalaban ko sa Star Cinema, kailangan may script kami, gusto ko buo. Okay naman sa akin ‘yung adlib kasi comedy ‘yan, maraming nangyayari as you go along,” kuwento ni direk Joyce.
Sabi ng direktora magkaiba raw sila ng istilo ni Vice pagdating sa comedy, “’Yung brand kasi ng comedy ni Vice, bading, e, ako bastos ako, di ba? Mga tipong Mr. Swabe. So combination ng medyo bastos at bading at toilet humor. Ha-hahaha! Saka pambata naman, hindi naman lalagpas (sa limitations),” kuwento pa ni Bernal.
At kung muling gagawa ng pelikula sina Vice at direk Joyce ay may payo ang huli sa TV host-comedian, “Sinabi ko kay Vice na gumawa kami (ng pelikula) yung may karakter, pag-aralan mo ‘yung karakter na hindi masyadong Vice.”
Showing na ang “The Super Parental Guardians” sa mga sinehan nationwide.
Samantala, nabanggit din ng petite na direktora na pagkatapos ng “Super Parental Guardians” ay may bagong project na siya, “Kami ni Neil Arce (producer at boyfriend ni Bela Padilla) sana matuloy pero nag-aalangan pa, with John Lloyd (Cruz), kung hindi matuloy, baka Piolo (Pascual).
“Pero ang inaabangan ko talaga na hindi pa ako sinasagot ay si Robin Padilla kasi ready na kami (sa script), parang Kailangan Ko’y Ikaw (unang pelikula nina Robin at Regine Velasquez),” ani direk.
Ang Spring Films daw ang producer ng pelikulang pagsasamahan nina Robin at Arci Muñoz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.