Order vs de Lima ipinadala na sa Senado | Bandera

Order vs de Lima ipinadala na sa Senado

Leifbilly Begas - November 29, 2016 - 03:34 PM

leila de lima

Ipinadala na ng Kamara de Representantes ang Show Cause Order laban kay Sen. Leila de Lima.
Pinagpapaliwanag ng House committee on justice si de Lima kung bakit hindi ito dapat i-cite for contempt ng pigilan niyang pumunta sa pagdinig nito ang kanyang dating lover na si Ronnie Dayan.
“After due deliberation, the Committee resolved to issue a Show Cause Order directing you to explain why you should not be cited for contempt for unduly interfering with an on-going investigation, in aid of legislation, conducted by the Committee,” saad ng order na pirmado ng chairman ng komite na si Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali.
Hihintayin ng komite ang sagot ni de Lima sa loob ng 72 na oras mula sa pagtanggap nito sa order.
“Should you fail to comply with this Order, the Committee will be constrained to take appropriate actions which may include the possibility of citing you in contempt under Section 11 of the Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation of the House of Representatives.”
Sa pagdinig ng komite sinabi ng anak ni Dayan na si Hannah Mae na sinabihan siya ni de Lima na sabihin sa kanyang tatay na magtago.
Nakikipag-ugnayan si Dayan kay de Lima sa pamamagitan ng kanyang anak.
“Pakisabi sa kana magtago lang muna sya… Kagagawan yan nila Speaker Alvarez at dikta ni Digong. Pagpipiyestahan lang sya at kaming dalawa kapag mag-appear sya sa hearing na yan,” sagot umano ni de Lima sa tanong ni Hannah Mae kung ano ang gagawin ng ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending