3 hindi pinalad na movie sa MMFF mas pipilahan pa rin | Bandera

3 hindi pinalad na movie sa MMFF mas pipilahan pa rin

Ambet Nabus - November 28, 2016 - 02:00 AM

KINAUSAP daw ng ilang theater owners and bookers ang mga producer na hindi pinalad na mapasama sa 2016 MMFF, binigyan daw ng advice ang mga ito na paghatian ang three weeks na nalalabi bago magsimula ang taunang festival.

Mauuna na nga riyan ang Star Cinema na nakuha ang Nov. 30 playdate for their movie “The Super Parental Guardians” nina Vice Ganda at Coco Martin, with Awra Briguela at Onyok Pineda under direk Joyce Bernal.

Magsasalpukan sila ng “Enteng Kabisote” ni Vic Sotto with Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Wally Bayola and many others. Pero sabi nga ni Bossing, “As usual just a friendly competition.”

Nalungkot man daw siya na hindi nakasama ang “Enteng Kabisote 10” sa MMFF this year, “Hindi naman rason yun para hindi namin bigyan ng masayang pelikula ang mga bata.”

Ang Regal Films movie naman na “Mano Po 7: Chinoy” nina Richard Yap, Jean Garcia at marami pang iba, ang magbubukas sa Dec. 14, barely a week before the MMFF.

Ang nasagap naming tsismis, if ever man daw na hindi pumatok o ma-meet ng official entries ang “required gross” (secret na usapan daw yun), eh ipu-pull out daw ang mga ito kahit hindi pa man umabot sa katapusan ng filmfest (Dec. 25, 2016 to Jan. 7, 2017) at ibabalik ang mga malalakas na pelikula.

And yes, dahil hindi naman lahat ng sinehan sa buong bansa ay sakop ng MMFF, asahan pa rin daw nating mapapanood ang mga pelikula nina Bossing, Vice, Coco at Richard sa Pasko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending