Kris walang kinalaman sa 'Enteng 10' - Bossing | Bandera

Kris walang kinalaman sa ‘Enteng 10’ – Bossing

Ervin Santiago - November 28, 2016 - 01:25 AM

MARIING itinanggi ni Vic Sotto na tinanggal si Kris Aquino bilang leading lady niya sa pelikulang “Enteng Kabisote 10 And The Abangers” dahil sa mga personal nitong problema.

Sa ginanap na grand presscon ng pelikula kamakailan, sinabi ni Bossing na sa simula pa lang ng produksyon ng “Enteng Kabisote 10” ay wala nang kinalaman si Kris sa movie.

“Hindi ko alam kung saan galing ang balitang yun, narinig ko na lang yun. Siguro, there was a time na nag-uusap sila ni Mr. (Tony) Tuviera. Baka napag-isip-isip ng ibang mga nakakakita na para sa pelikula yun, pero hindi. Wala, wala siyang kinalaman,” paliwanag ni Vic.

Kung matatandaan, may kumalat na balita na si Kris daw ang gaganap na Faye sa “EK 10”, ang engkantadang asawa ni Enteng na ginampanan noon ni Alice Dixson at Tweetie de Leon (OK Ka Fairy Ko), at Kristine Hermosa.

Naging co-producer naman ni Vic si Kris sa pelikulang “My Little Bossings” kung saan nakasama rin ang anak ng TV host-actress na si Bimby na naging official entry rin sa MMFF 2013.

Nang tanungin naman si Bossing kung totoong si Pauleen Luna ang gaganap na Faye sa “EK 10”, “Secret yun e, nasa bandang huli ng pelikula yun, kaya medyo may konting surprise.”

Samantala, balak sanang pumunta nina Vic at Pauleen sa Jerusalem pagkatapos ng Pasko. Ito ang first Christmas nila together bilang mag-asawa at nais sana nilang magtungo roon para magpasalamat sa lahat ng blessings sa kanilang buhay.

Excited din daw ang mag-asawa dahil ito ang unang Pasko nila sa bago nilang mansyon. Pero sey ni Vic, hindi na raw sila matutuloy sa Jerusalem dahil ikakasal ang isa sa kanyang mga anak.

Dagdag pa ni Bossing, siguradong maiiba raw ang Pasko niya this year dahil hindi na kasali ang pelikula niya sa MMFF 2016.

‘Yun ang magandang nangyari, for the first time in fifteen years, I will have a normal Christmas day. With the family lang e dati, more often than not, yung utak ko nasa festival.

“This time, mas kumportable ang Christmas, we’re really looking forward to it. And, as always, kasama ko ang mga anak ko, mga kapatid,” chika pa ni Bos-sing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending