Walang re-appointment, weird na secretary stressed na
NA-STRESSED ang isang government official makaraan siyang ma-bypassed na naman ng makapangyarihang Commission on Appointments.
Pero mas lalo siyang na-stressed nang hindi isama ng pangulo ang kanyang pangalan sa mga na-reappoint na miyembro ng kanyang official family.
Sinabi ng ating Cricket na bukod sa pagpapa-spa ay kaagad na komunsulta sa mga feng shui experts ang kalihim.
Sa kanyang tingin kasi ay may mga malas na mga bagay na dapat tanggalin sa kanyang tanggapan para maging smooth sailing ang kanyang paglilingkod sa trabaho.
Nang siya ay dumating sa naturang opisina, ang una niyang ginawa ay baguhin ang pwesto ng mga lamesa pati na rin ang ilang mga picture frames sa hallway papunta sa kanyang tanggapan.
Sa kanyang unang meeting kasama ang mga opisyal ng kagawaran ay naging kakaiba na raw ang inasal ng kalihim.
Bigla niya kasing inirekomenda sa grupo na dapat ay magkaroon sila ng regular na pagpapausok ng insenso at yoga para raw mas maging produktibo ang kanilang trabaho.
Dahil bago ang kalihim, walang nagawa ang mga department heads kundi sumunod sa kagustuhan ng kanilang bagong amo.
Pero ilang buwan lang ito dahil kalaunan ay natigil na rin ang trip ng kanilang Boss nang ito ay
maging busy na sa kanyang trabaho.
Since then ay napansin na ng mga tauhan sa kagawaran na parang kakaiba ang kanilang bagong amo.
Bukod sa may pagkakataon na siya’y nagsasalita mag-isa ay meron ding ilang pagkakataon na mag-uutos ito sa kanyang mga tauhan ng mga alanganing requests.
Kabilang na rito ang pagpapabili ng kung anu-anong mga accesories sa katawan kahit na alanganing oras ng gabi.
Sa tingin ng ating Cricket, ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit tila malamig na ang treatment ng pangulo sa miyembrong ito ng kanyang Gabinete.
Masipag naman sa trabaho pero performance at output daw ang mas binibigyang pansin ng pangulo sa mga opisyal ng kanyang administrasyon.
Ang miyembro ng Gabinete na dumadaan ngayon sa matinding stress makaraang hindi isama ng pangulo sa mga maire-repoint na miyembro ng gabinete ay si Sec. G….as Grandia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.