Female star adik sa alak kaya napapabayaan na ang anak | Bandera

Female star adik sa alak kaya napapabayaan na ang anak

Cristy Fermin - November 25, 2016 - 12:40 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

PALAGING nakikita sa iba-ibang bar ang isang female personality kasama ang kanyang mga kaibigan.

Mahilig kasi siyang makipagnomo-nomo, hindi naman lasenggera, pero malakas uminom ang young female star.

Napakaaga niyang nahilig sa pag-inom, sabi ng kanyang mga kaibigan ay ‘yun daw kasi ang kinagisnan ng girl nu’ng lumalaki na siya, mahilig ding uminom ang kanyang mommy.

Pero hindi maikukumpara ang young actress sa kanyang mommy na kung uminom ay parang wala nang bukas pa. Malakas lumaklak ang kanyang ina, bagsak na ang mga kalalakihan nitong kainuman, pero nakatayo pa rin ang aktres na nanay ng young personality.

Kuwento nga ng isang source, “Aysus! Walang binatbat ang batang ‘yan sa mommy niya! Pauwi na ‘yun, papunta pa lang siya pagdating sa pag-inom!

“Ibang klase ‘yung mommy niya! Hanggang may nakikita pa siyang boteng may laman, hindi siya tumitigil sa paglaklak! Malakas siyang magnomo, walang-walang comparison sa anak niya na nasasayaran pa lang ng alak ang lalamunan, e, lasheng na!

“Tahimik lang ang mommy niya, pero rock! E, ang young personality, kaaga-agang naaapektuhan ng alak! Super-daldal, war freak siya, nang-aaway talaga kapag nakakainom na siya!” natatawang kuwento ng aming impormante.

Dahil sa sobrang busy ng young actress sa pakikipag-inuman at sa kanyang bagong boyfriend na tumador din ay halos napababayaan na niya ang kanyang anak.

“Hindi na niya nabibigyan ng time ang baby niya, mas importante pa yata sa kanya ang bago niyang boyfriend, kaya ayun, ginawa na niyang day care center ang bahay ng ama ng anak niya! Palaging magkasama ang mag-ama, pero siya, bising-busy sa katotoma!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, huwag alak ang ipainom n’yo sa babaeng ‘yan! Bigyan n’yo siya ng agua oxehenada!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending