Alden, Maine bibida sa Pinoy version ng My Love from the Star; Jennylyn out na? | Bandera

Alden, Maine bibida sa Pinoy version ng My Love from the Star; Jennylyn out na?

Jun Nardo - November 25, 2016 - 12:10 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

NAINTRIGA ang manonood ng GMA programs sa isang plug kung saan isang boses ng babae ang narinig na nagsabi ng, “Sarreh, okay, sorry!”

Pamilyar ang boses at linya na ‘yon, huh! So feeling ng nakapanood, malapit nang mapanood ang local adaptation ng well-loved Koreanovela na My Love From The Star.

Matagal nang nabinbin ang pagsasa-TV nito. Si Jennylyn Mercado ang unang nabalitang lalabas na bidang babae at si Alden Richards ang leading man niya.
Kaso bayolenteng reaksyon ang natanggap ng GMA mula sa fans lalo na’t mainit ang AlDub loveteam nang kumalat ang balita.

Biglang nabura si Alden sa proyekto at hindi na raw siya ang magiging partner ni Jen. Pero sa takbo ng mga eksena, mukhang nawalis na rin ang idea na si Jen pa rin ang bibida sa Pinoy version ng MLFTS.

Ang hula ng karamihan, sina Alden at Maine Mendoza na ang magbibida sa My Love From The Star. Ito raw ang magiging launching serye ng magka-loveteam sa 2017. Well, kakalat din naman ang balita kung silang dalawa na talaga ang napili ng GMA para sa local adaptation ng Korean series, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending