SPEEd pinasaya ang mga bata sa bahay-ampunan
PARA maging makabuluhan ang pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) dinalaw ng grupo ang Bahay at Yaman ni San Martin de Porres sa Bustos, Bulacan kamakailan.
Ang nasabing bahay-ampunan ay kumakalinga sa higit 150 abandonadong kabataan na nagmula sa iba’t ibang lansangan sa Manila.
Pinangunahan ni SPEEd President Isah Red, (ng The Standard), ang pagdadala ng kaligayahan sa mga kabataang residente edad pito hanggang 18.
Dala-dala ng grupo ang mga donasyon tulad ng mga damit, tsinelas, libro, laruan, toiletries, gamot, pagkain at maiinom. Sina SPEEd Secretary Ian Farinas (ng People’s Tonight), at Asssistant Sec. Gie Trillana (ng Malaya Business Insight) ang nag-coordinate sa surrogate mother at volunteer co-worker na si Myrna del Rosario para matuloy ang event.
Sa tulong ng program coordinator na si Noel Vincent Ordiales, sina SPEEd members Dondon Sermino ng Abante at Rohn Romulo ng People’s Balita ang nag-host ng mga games.
Ang mga papremyo naman ay mula sa donasyon ng GMA Network Communications sa pamamagitan ni Angel Javier, Liwayway Marketing through Kacie Gotamco and Annie Ringor at Dr. Eric & Vina Yapjuangco ng Icon Clinic through Chuck Gomez.
Tumulong din ang iba pang miyebro ng grupo na sina Jerry Olea ng Abante Tonight, Ervin Santiago ng Bandera, Janice Navida ng Bulgar, Maricris Nicasio ng Hataw, Eugene Asis ng People’s Journal, Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon/Pang-Masa, Tessa Arriola ng Manila Times at Dinah Ventura ng Daily Tribune sa mga palaro at gift-giving.
Sumama rin sa grupo sina Chuck Gomez at Sonny Espiritu bilang official photographer.
Adding more fun to the event, tuwang-tuwa ang mga bata sa photo at face-painting booth sa venue, courtesy of ABS-CBN Corporate Communications group led by Kane Choa.
Nagbigay naman ang San Miguel Corporation through Jon Hernandez nang kahung-kahong Magnolia mineral water, habang ang Unilab for Ritemed (through Claire Papa and Butch Raquel), ay nag-donate ng boxes of vitamin C and paracetamol.
Ang Bahay at Yaman ay well-kept compound na kung saan matatagpuan ang charity school arm ng Angelicum.
Simula 2003, ang mga kabataang mula Prep hanggang High School ay nakatatanggap na edukasyon sa loob ng bakuran, na kung saan matatagpuan din ang isang kaakit-akit na kapilya.
Ayon sa volunteer co-worker na si Adora Briones, para sa mga interesado na mag-share ng kanilang blessings lalo na ngayong darating na Pasko, pwedeng mag-donate ng bath soap, shampoo, toothpaste, toothbrush, alcohol, laundry soap or detergent, condiments (cooking oil, soy sauce, vinegar, fish sauce, etc.), clothes, slippers and books.
Pwedeng kontakin si Noel Ordiales sa 0921-2579375 o bumisita sa kanilang website (www.stmartinproject.org).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.