Robin sa US: Kahit 3 araw lang pagbigyan na nila akong makasama ang mag-ina ko!
GAYA ng ibang celebrities na pumapatol sa mga basher nila sa social media, hindi pinaligtas ni Robin Padilla ang mga nag-aakusa sa kanya ng kung anu-ano.
Simula sa mga isyu niya sa pagkampi kay Presidente Rodrigo Duterte, ang paghingi ng tulong sa mga alam niyang makakatulong sa kanya tungkol sa US visa niya, at itong huli nga ay ang pag-grant sa kanya ng absolute pardon.
Feel na feel namin yung pagsasabi ni Robin na hindi niya tinakasan ang krimeng nagawa niya dati at ito’y kanyang pinagdusahan sa kulungan ng halos apat na taon.
“Kumpara po sa ibang kilala at alam nating nakagawa ng krimen, sila pa itong malaya at nabibigyan ng kaginhawahan. Ako po nakulong at nagbayad sa atraso ko. If ever man na natanggap ko ito at maibalik sa akin ang aking mga karapatan bilang isang Pilipino sa maraming aspeto, siguro naman po ay naging deserving ako sa pamantayan ng mga nabibigyan ng executive clemency,” bahagi ng paliwanag ni Robin.
Umaasa si Binoe na mabibigyan na siya ng US visa anytime soon dahil sa tinanggap na clemency.
“Basta makasama ko. Hindi naman ako magiging maselan kung anong ibigay sa akin ng US embassy, eh.
Totoo po ito galing ito sa puso ko kahit bigyan lang niyo ako ng tatlong araw, walang problema sa akin yun,” sey ni Binoe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.