Kris tinawag na trapo at plastikada ni Mocha; binuhay ang 'Luisita Massacre' | Bandera

Kris tinawag na trapo at plastikada ni Mocha; binuhay ang ‘Luisita Massacre’

Cristy Fermin - November 16, 2016 - 12:05 AM

kris aquino at mocha uson

MALAKAS talaga ang loob ni Mocha Uson. Wala siyang keber kung pupugin man siya ng mga basher dahil sa paglalantad ng kanyang mga saloobin.

At siya lang ang tanging personalidad na diretsong nakapagsabi na TRAPO at plastik si Kris Aquino! Kung ang ibang napaplastikan sa aktres-TV host ay nagtatago lang ng kanilang saloobin ay ibahin natin si Mocha.

Talagang sinumbatan niya si Kris, wala raw karapatan ang Queen Of All Media na magsabing susuportahan nito ang hanay ng mga magsasaka, dahil hindi pa rin nakakalimutan ng sambayanan ang Hacienda Luisita Massacre.

‘Yun ang naging madugong engkuwentro sa mismong haciendang pag-aari ng mga Cojuangco-Aquino, maraming buhay ang nabuwis du’n, nakipaglaban ang mga magsasaka dahil sa pangangamkam sa kanilang mga lupain.

Binanggit din ni Mocha ang kasaysayan ng Kidapawan Massacre. Bigas ang hinihingi ng mga magsasaka, pero bala ang ipinakain sa kanila, naganap ‘yun sa pamahalaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Alam ni Mocha ang kanyang sinasabi, sinusundan niya ang mga kaganapan, buhay na buhay ang kanyang pagtutok sa kasaysayan. May katwiran ang nagpapaseksing singer sa kanyang mga sinasabi dahil kakambal nu’n ang katotohanan at kasaysayan.

At TRAPO naman talaga ang pamilyang kinabibilangan ni Kris. Mula sa kanyang ama, ina at kapatid, tradisyunal silang pulitiko, kaya hindi sablay ang pagkakalarawan ni Mocha sa aktres-TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending