Daniel desididong makapagtapos at makakuha ng college diploma
NGAYON pa lang ay excited na si Daniel Padilla sa pagbabalik niya sa school sa susunod na taon.
Matagal nang gustong bumalik sa pag-aaral ng Kapamilya heartthrob ngunit palaging nagkakaroon ng aberya kapag nagpaplano na siyang magbalik-eskwela, lalo na ngayong taon na sunud-sunod ang trabaho nila ni Kathryn Bernardo.
Suportado ng kanyang inang si Karla Estrada ang desisyon ni DJ na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang sa makakuha ng college diploma. Naniniwala ang Queen Mother na iba pa rin kapag may natapos ang isang artista.
“Siyempre ang sarap pa rin ng pumapasok ka sa school talaga. Siyempre may mga natututunan ka talagang mga bagay na hindi mo basta basta matututunan kapag hindi ka pumapasok. Iba pa rin ‘yung naibibigay na knowledge. Iba ‘yung dire-diretso kang natututo,” pahayag ni Daniel.
Wala pang desisyon ang binata kung anong course ang kukunin niya sa college, pero may pinagpipilian na siya. Aniya, “Gusto ko ng Psychology, gusto ko ng Philosophy. Meron akong kasama sa kurso ko na ‘yun, ‘yung tito ko.”
Bukod kay Karla, palagi rin daw siyang sinasabihan ng kanyang girlfriend na si Kathryn pati na ng ina nitong si Mommy Min Bernardo na kailangang hanapan niya ng panahon ang pag-aaral.
“Si Kathryn, pati si ermat, ermat ni Kathryn lalo. Lagi, sinasabi nila sa akin, ‘Mag-aral ka na DJ.’ Okay naman, so next year, yan ang plano ko,” ani Daniel.
Ngunit huwag mag-alala ang milyun-milyong Kath Niel fans dahil kahit may planong bumalik sa pag-aaral si DJ, may naka-line up ng mga projects ang ABS-CBN at Star Cinema para sa magka-loveteam sa darating na 2017.
Bukod sa gagawin nilang teleserye, may pinaplantsa nang bagong pelikula para sa kanila. Daniel will also be ha, bukod pa ‘yan sa naka-schedule na major concert ni DJ sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.