Babalik pa ba ang nangaliwang asawa? | Bandera

Babalik pa ba ang nangaliwang asawa?

Joseph Greenfield - November 13, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Cathy ng Subang, Mandaue City, Cebu 

Dear Sir Greenfield,

Malaki po ang problema ko ngayon sa buhay Sir Greenfield, dahil nambabae, nangaliwa, at sumama na sa kanyang kerida ang walang hiya kong asawa at sa ngayon may tatlong buwan na siyang hindi na umuuwi sa amin. Ni mag-text o mangumusta di nya rin ginagawa gayong wala namang akong natatandaang kasalanan sa kanya. Napakawalang hiya niya, pero kahit siya ganon, at sa kabila ng ginawa nya sa akin mahal na mahal ko po siya. May alam po ba kayong alam na gayuma o orasyon kung paano ko mapapabalikin ang aking asawa at mga paraan upang hindi na siya muling pumatol pa sa iba? September 1, 1980 ang birthday ko.
Umaasa,
Cathy Mandaue City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na isang beses ka lang makapag-aasawa at iyong ay magiging pang habang buhay na. Kaya kung lumayas ang iyong asawa at may kinakasamang kerida sa ngayon, umasa kang lilipas din ang kanyang kalokohan, darating ang saktong panahong kusa siyang babalik sa inyo, upang minsan pa muling mabuo at lumigaya ang inyong pamilya.
Cartomancy:
Queen of Spades, King of Hearts at Queen of Clubs ang lumbas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa ngayon lang tagumpay ang kerida ng iyong mister dahil nagawa niyang maagaw sa iyo ang iyong asawa, pero sa bandang huli, nasa iyo ang huling halakhak, dahil kapag sawa na siya sa babaing kinakasama nya sa ngayon, kusa na babalik ang iyong mister sa orihinal niyang pamilya at kailan man’y hindi na muling mambabae pa.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending