Digong ipinatikim kay Kris kung gaano kasakit ang maisnab at mabalewala
WELL, hindi naman siguro nakapagtataka kung isnabin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Kris Aquino. Pero marami nga ang nanghinayang na hindi natuloy ang one on one interview nila.
May mga naawa kay Kris pero meron ding natuwa, lalo na ang mga basher ng TV host na nagsasabing ipinatikim lang sa kanya ni Duterte kung paano ang mabalewala at isnabin.
At least, ramdam na ramdam ngayon ni Kris na ibang-iba na ang buhay at existence niya at ng kanyang pamilya dahil kumpara sa dati na halos nagkakagulo sa kanya ang marami o hindi siya basta napapahindian ng mga kilalang tao sa lipunan, this time, she experiences being snubbed, or worse, being ignored.
Imagine, magtitiyaga na nga sana siyang magkaroon ng show na mapapanood sa TV5 at PTV4, tapos heto’t napurnada pa. Tama naman ang reaksyon niya na maging sweet at kunwaring hindi affected dahil wala na nga siya sa posisyon para magreklamo at magyabang.
Du’n man lang, hahangaan na natin si Kris, hindi ba kagandahang Ai Ai delas Alas, na kailan nga lang ay nakatanggap ng donasyon mula sa dati niyang BFF para sa kanyang ipinagagawang simbahan?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.