Pacquiao may 3 laban pang paghahandaan; rematch kontra Mayweather posible pa ba? | Bandera

Pacquiao may 3 laban pang paghahandaan; rematch kontra Mayweather posible pa ba?

Cristy Fermin - November 10, 2016 - 12:10 AM

manny pacquiao at floyd mayweather

“BALATO! Balato! Balato!” ‘Yun ang pabirong-totoo na sigaw ng ating mga kababayan nang dumating sa bansa ang Pambansang Kamao nu’ng Martes nang madaling-araw.

Mainit na namang sinalubong si Senador Manny Pacquiao dahil sa matagumpay niyang paghablot sa WBO Welterweight belt mula kay Jessie Vargas, minsan pa niyang pinatunayan na wala sa edad ang sagupaan sa ring, dahil sampung taon ang tanda niya sa Mexican-American niyang nakatunggali.

Sabi nga ni Mommy Dionisia, “Wala ‘yan sa edad, nasa galing ‘yan at sa pananampalataya sa Diyos!” Ang dakilang ina ni Pacman na matagal nang nagpapahinto sa kanya sa pagboboksing ay proud na proud sa kanyang anak na minsan pang nagbigay ng karangalan sa ating bayan.

Dapat pala’y mananatili pa nang ilang araw sa LA si Pacman, pero kinailangan na niyang umuwi agad para makapagtrabaho na siya uli, seryoso ang boksingero sa kanyang upuan ngayon sa Senado.

“Saka siguro, ayaw na rin niyang abutan pa siya ng eleksiyon sa Amerika, pero ang talagang dahilan kaya siya umuwi agad, e, para maasikaso na niya ang mga naka-pending niyang work sa Senate,” kuwento ng kanyang kaibigang si Jayke Joson.

May tatlong laban pa siyang ikinakasa ni Bob Arum, pero ang pinananabikan ng ating mga kababayan ay ang muli nilang pagtutuos ni Floyd Mayweather, ang tinaguriang “Boy Takbo” ng mga Pinoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending