Paolo: Eat Bulaga pa rin ang priority ko! | Bandera

Paolo: Eat Bulaga pa rin ang priority ko!

Reggee Bonoan - November 10, 2016 - 12:05 AM

paolo ballesteros

BINIGYAN nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo ng grand welcome sina direk Jun Lana at Paolo Ballesteros matapos makakuha ng parangal sa katatapos lang na Tokyo International Film Festival para sa pelikulang “Die Beautiful”.

Si Paolo ang itinanghal na Best Actor habang nakuha naman ng “Die Beautiful” ang Audience Choice Award. Ito ay sa ilalim ng produksyon ng Idea First Company at Octobertrain Films. Ang Regal Entertainment ang magri-release ng “Die Beautiful” na isa sa possible entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2016.

Paliwanag ni Ms. Roselle, “Attached na attached kasi kami ni Jun and Perci (Intalan) ever since and he started with us to direct (PreNup), and having Paolo Ballesteros na best actor na hindi natin ini-expect kaya nakakatuwa and a part of me, I want to be part of their success kahit man lang sa gathering na ito.”

Naka-Angelina Jolie si Paolo nu’ng rumampa sa red carpet ng Tokyo filmfest at talagang hindi makapaniwala ang mga naroon nang makita siya. Tinanong si Pao kung bakit sa rami ng Hollywood stars na nagagaya niya ay si Angelina ang napili niyang irampa, “Kasi siya ‘yung para sa akin na madaling gayahin. Pinakamadaling ma-achieve kaya ‘yun ang ginawa ko,” sabi ng aktor.

Kuwento ni Paolo talagang nagulat ang audience nang makita siya bilang Angelina, “May kanya-kanya kasi kaming grupo during the party, ako, kasama ko Indonesian tapos nabanggit nga na, ‘Did you know that Angelina Jolie was here last night?’ Natawa ako kasi sa akin pa sinabi, kaya sinagot ko siya ng, ‘And that was me.”

“Tapos sabi ng kausap ko, ‘Ha! How come? How did you do it?’ Nagtataka sila, tinuro ko ‘yung poster ng movie namin. At sinabi ko na ganyan-ganyan, na it’s about make-up transformation. Tapos sabi nila, ‘Oh my, so that Meryll Streep (nasa award night din) the real one or it was you?” tumatawang kuwento pa ng aktor.

Samantala, inamin din ni Paolo na sobrang blessed siya dahil akala niya ay six films lang ang maglalaban sa TIFF pero nagulat na lang siya na umabot pala sa 16 movies ag lumahok. Yung ibang nominado nga raw ay nakasubok nang sumali sa Cannes Film Festival kumpara sa kanya na first-timer lang pero wagi agad.

At ngayong nanalo na siyang best actor ay nakakaramdam na ba siya ng pressure, “May pressure in a way kasi dito sa movie na ito, sabi nga nila si direk Jun is an actor’s director kasi lahat ng idinirek niya, best actor, best actress. So I guess, paano na lang kung hindi si direk Jun sa next projects, di ba? Although, of course yung effort ko nga na ibibigay, the same 100%, pero iba rin ‘yung tulong ni direk Jun, we’ll see.”

Tinanong namin kung ano naman ang comment ng Eat Bulaga family dahil nga nagawa niya ang “Die Beautiful” nu’ng pansamantala siyang nawala sa programa, “Of course they’re very happy for me, lahat sila nag-text, nag-message, nag-post sila sa Facebook, lahat sila very supportive. Saka hindi ko rin naman masasabing blessing in disguise dahil nawala ako (sa EB), kung baga nasa tamang panahon lang,” sabi ng aktor.

Inamin ng aktor na maski na anong mangyari ay Eat Bulaga pa rin ang parayoridad niya dahil dito siya nakilala, “Dati pangarap kong sumali sa Mr. Pogi, e, hindi na natuloy kasi naging host na agad ako,” pag-alala ni Paolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending