Bakit ba mahilig kang magbulakbol, Bato? | Bandera

Bakit ba mahilig kang magbulakbol, Bato?

Ramon Tulfo - November 10, 2016 - 12:10 AM

MALING-MALI ang mga survey companies at media sa America sa kanilang analysis na mananalo si Hillary Clinton ng malaking agwat kay Donald Trump.

Si Trump ang nanalo bilang 45th president ng United States by a very slim margin over Clinton.

This time, mali ang mga surveys.

Nagpapakita lamang na ang mga botante, at hindi surveys, ang nagpapanalo sa isang kandidato.

Marahil ay namumula ang mga mukha sa kahihiyan ang mga pollsters at US media dahil sa kanilang hula na si Clinton ang mananalo.

Dapat ay matuwa tayo na kumawala na tayo sa America sa foreign policy.

Masamang balita si Trump para sa bansa.

Dapat ay palakasin natin ang ating pakikipag-ugnayan sa bansang China.

Matapobre si Trump; mababa ang pagtingin niya sa mga Mexicano at mga Muslim.

Hindi siya magpapasok ng mga immigrants sa US.

Walang pakialam ang magiging administrasyon ni Trump sa ibang bansa; uunahin muna nito ang America bago ang iba.

Ang desisyon ng Korte Suprema na 9 to 5 na mailibing ang dating pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay napakalaki.

Ang agwat na apat na boto is an overwhelming in the 15-member tribunal.

Isa sa mga mahistrado ay hindi bumoto dahil wala siyang paninindigan.

Dahil sa desisyon ng Mataas na Hukuman dapat ay magsimula na ang paglunas o healing para sa bansa.

Ang isyu ng paglibing kay Marcos sa Libingan ay naghati sa bansa.

Si Justice Diosdado Peralta ang nagsalita para sa mayorya nang sinabi niya na ang mga mahistrado na bumoto upang ihimlay si Marcos sa Libingan ay gustong magkaroon ng national healing and reconciliation sa bansa.

Sabi ni Peralta, “ while (Marcos) was not all good, he was not pure evil either.”

Tao lang daw si Marcos na nagkamali gaya nating lahat.

Sa kasabihan sa Pinoy na kapag ang tao ay patay na, lahat ng kanyang kasalanan ay nakakalimutan o napapatawad.

Si Marcos ay Pinoy gaya nating lahat, kaya’t dapat kalimutan na natin ang kanyang mga kasalanan sa bayan.

Hayaan na natin ang history o kasaysayan ng ating lahi at mga henerasyon na darating na maghusga kay Marcos.

Samantala, dapat ay makapag-move on na tayo at ibaon na ang isyu tungkol kay Marcos.

At doon sa mga Pinoy na hindi mapatawad si Marcos, hindi ba pinangangalandakan natin na tayo’y isang bansang Kristiano?

Ang mga Kristiano ay tinuruan na patawarin ang mga taong nagkasala sa atin.

Nasa dasal na Ama Namin: “…at patawarin mo kami gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin…”

Hindi naman daw usapin sa delicadeza ang pagpunta niya sa America dahil wala siyang ginastos na pera ng gobiyerno sa kanyang pagsama kay Manny Pacquiao.

Yan ang sabi ni Director General Ronald “Bato” dela Rosa, chief ng Philippine National Police (PNP) sa mga tuligsa sa kanyang pagpunta sa US upang panoorin ang laban ni Pacquiao.

Nilibre naman daw siya ni Pacquiao sa pamasahe at hotel accommodation.

You miss the whole point, Bato.

Dapat ay hindi ka umaalis ng bansa dahil kailangan ng PNP ng lider lalo na’t maraming nangyayaring krimen ngayon.

Noong sumama ka kay Pangulong Digong sa China ay nagkagulo sa US Embassy.

Sa halip na lumipad ka agad pabalik ng Maynila upang asikasuhin ang gulo ay nagtagal ka pa sa China.

Nang sumama ka kay Pacquiao sa Las Vegas ay pinatay naman si Mayor Rolando Espinosa ng iyong mga tauhan sa loob mismo ng kanyang kulungan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit ba ang hilig mong magbulakbol?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending