Pia bumigay na rin sa gwapong car racer
NANINIWALA ang mga supporters ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na magdyowa na sila ng gwapong car racer na si Marlon Stockinger.
Hindi na kasi itinatago ng binata ang tunay niyang narararamdaman para sa Filipina beauty queen, as in talagang ibinabandera na niya ang kanyang feelings sa madlang pipol.
Sa katunayan, nang mag-guest si Marlon sa isang episode ng Family Feud sa ABS-CBN, kasama ang kanyang kaibigan na si Matteo Guidicelli, diretso nitong sinagot ang mga tanong ng host na si Luis Manzano tungkol kay Pia.
Pero bago ito, tinukso muna siya ni Matteo nang ilarawan niya ang binata ng, “Number one race car driver, lover boy din.”
Nang tanungin ni Luis si Marlon kung sino ang “pride and joy” niya ngayon, mabilis itong sumagot ng, “Of course, that’s my racing car… at saka si Pia.”
Hiningan din siya ng mensahe para kay Pia na nasa US ngayon, ang maiksing sabi ni Marlon: “I miss you lang.”
Kamakailan ay inamin ng Fil-Swiss racer na nasa “getting-to-know-each-other” stage pa lang sila ng reigning Miss Universe, pero ang feeling ng kanilang social media followers, sinagot na siya ni Pia kaya kung titingnan ang kanilang mga latest photo together, ibang-iba na ang aura ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.