Girlfriend na lang ang kulang | Bandera

Girlfriend na lang ang kulang

Joseph Greenfield - November 05, 2016 - 12:05 AM

Sulat mula kay Jacob ng Margarita Village, San Carlos City, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Sa edad kong 33 years old sa darating na December 7, masasabi kong successful naman ako sa career bilang Engineer sa isang private company. May maganda naman akong suweldo at may hinuhulagan na akong sariling lupa at bahay. Ang prolema ko lang talaga sa ngayon ay wala pa akong girlfriend, at ito ang dahilan kung kaya’t naisipan kong kumunsulat sa inyo upang itanong kung kahit kaya mahiyain ako pagdating na sa babae kaya hindi ako nagkaka-girlfriend ay may pag-asa pa rin kaya akong makapag-asawa. Sabi nga ng nga kasamahan ko sa trabaho, “Ano ka ba naman Jacob, girlfriend na lang ang kulang sa iyo ha, bakit hindi ka pa ba makakita?” Kay asana malaman ko kung kalian kaya ako magkaka-girlfriend at makapag-aasawa?
Umaasa,
Jacob ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat napadulo kapansin-pansing may roon pa ring namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, medyo late 30’s or mid 30’s ka pa nga maaaring magka-girlfriend at tuluyang makapag-asawa. Pero dapat ka pa ring matuwa, dahil ang nasabing Marriage Line (arrow 1.) ay isang malinaw ngang garantiya, na hindi ka tatandang binata, bagkus darating ang panahong makapag-aasawa ka at magkakaroon ng isang maligayang pamilya habang buhay.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Seven of Hearts at Jack of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing kahit na 33 years old ka na sa ngayon, mas bata kang tingnan kaysa sa iyong edad, kung kaya’t sa taong 2017 bago ka umedad ng 34, isang babaing mas bata sa iyo ang darating na siyang magiging una at huling babaing iyong mamahalin.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending