Pension hike sa SSS abot-kamay na | Bandera

Pension hike sa SSS abot-kamay na

Liza Soriano - October 29, 2016 - 12:10 AM

MAGANDANG balita, may naghihintay na karagdagang pensyon na maaaring matanggap ng mga pensiyonado ng Social Security System (SSS).

Bukas ang SSS sa nais ng mga mambabatas na itaas ang pensyon na natatanggap ng mga retiradong manggagawa sa pribadong sektor.

Mahigit sa dalawang milyong pensiyonado ang makikinabang dito.

Naglatag ng mga option ang SSS para maipagkaloob ang P2,000 pension increase sa mga pensioners. Magbibigay ng P500 increase kada taon sa loob ng apat na sunod-sunod na taon.

Maari ring ipatupad ang dagdag sa pamama-gitan ng staggered basis.

Puwede rin namang ipatupad sa pamamagitan ng provident fund na kung saan hindi muna kukunin ng mga retirees ang kanilang pension sa loob ng limang taon subalit bibigyan naman ng interest.

Maaring hatiin ang mga pensioners sa limang tranches base na rin sa halaga ng pension na maaari nilang makuha.

Naintindihan namin ang pangangailangan sa mas mataas na SSS pension.

Ngunit ang pagsasabatas ng across the board increase ng walang malinaw na sistema kung paano ito susuportahan ng pangmatagalan ay maaaring hindi sapat,” pahayag ng SSS.

Kapag ipinatupad ang P2,000 pagtaas ng pensyon, mangangailangan ng karagdagang P56 bilyon sa unang taon pa lamang para pondohan ang 12 buwanang pensyon at ika-13 buwanang pensyon para sa mahigit dalawang milyong pensyonado ng SSS.

Pangkaraniwang tumataas ng walong porsiyento ang halaga ng pensyon na ibinabayad ng SSS kada taon sa loob ng nakaraang limang taon.

Batay sa resulta ng mga pag-aaral sa pondo ng SSS na ipinrisinta sa mga pulong ng mga mambabatas, inirekomenda ng SSS na itaas ang kontribusyon at magbigay ng subsidiya ang pamahalaan .

Hindi tulad ng GSIS na 21 porsiyento ang kontribusyon na iniaaplay sa kabuuang sahod ng empleyado kada buwan, mas mababa ang kontribus-yon sa SSS sa 11 porsiyento ng maximum sahod na P16,000.

Mula 1980 hanggang 2002, nagtaas ang SSS pensyon nang hanggang 20 porsyento at 19 beses itong ipinatupad, mayroong mga taon pa na dalawang beses nagtaas ang pensyon, habang ang kontribusyon ay nanatili sa 8.4 porsyento sa loob ng 23 taon.

“Patuloy pa rin na maghahanap ng mga paraan para mas mapaunlad ang mga sistema ng ahensya at mas maging maingat sa paggastos para mas makapagtabi tayo ng pera at makapagbigay ng mas mataas na benepisyo.”

Amado Valdez
Chairman,
Social Security System

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending