Pia kay Liza: Swak na swak ang beauty sa Miss U
DAHIL sa pag-trending sa social media ng maladyosang itsura ni Liza Soberano sa nakaraang Star Magic Ball, maraming netizens ang humikayat sa Kapamilya actress na mag-join na sa beauty contest.
Ayon sa mga followers ng dalaga, siguradong makakakuha siya ng korona at titulo kapag kinarir niya ang pagsali sa mga beauty pageant.
Ilang beses nang sinabi ng ka-loveteam ni Enrique Gil na wala siyang balak sumali sa mga beauty contest, mas gusto niyang mag-concentrate sa pagiging aktres.
Nang makita ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kumalat na litrato ni Liza during the Star Magic annual event, hindi rin nito naiwasang mag-post ng mensahe para kay Liza.
Nag-reply si Pia sa Instagram post ng kanyang mentor na si Jonas Gaffud kung saan makikita ang larawan ni Miss Universe 2002 Oxana Federova ng Russia. Ani Jonas, kamukha raw ni Oxana si Liza.
Caption ni Jonas sa kanyang photo: “Miss Universe 2002 Oxana Fedorova (dethroned; but still one of the most beautiful winners of the pageant aside from my love Pia) has a resemblance to the very beautiful @lizasoberano.”
Na sinang-ayunan naman ni Pia, “She really has the beauty for it. She doesn’t even need to try! Natural!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.