20 bahay nasunog sa Pasig; 70 pamilya nawalan ng bahay
NAABO ang 20 kabahayan matapos ang dalawang oras na sunog sa isang residential ara sa Pasig City, kagabi.
Sinabi ni Senior Fire Officer 1 Caroline Orlina, duty operator sa Bureau of Fire Protection-Pasig na nagsimula ang sunog ganap na alas-6:42 ng gabi sa Purok II sa East Bank Road sa Barangay Sta. Lucia Pasig kung saan 70 pamilya ang nawalan ng bahay.
Umabot ng 20 trak ng bumbero mula sa BFP at volunteer fire organization ang dumating para tumulong maapula ang sunog na idineklarang kontrolado ganap na alas-8:23 ng gabi. Idineklarang naapula ang apoy ganap na alas-9:06 ng gabi.
Umabot sa P2.5 milyon ang halaga ng natupok na mga ari-arian.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog, samantalang pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng barangay ang mga nasunugang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.