Luis ayaw tantanan ng mga taong walang magawa sa buhay | Bandera

Luis ayaw tantanan ng mga taong walang magawa sa buhay

Cristy Fermin - October 28, 2016 - 12:25 AM

LUIS MANZANO

LUIS MANZANO

SIGURO naman, ngayong nagpa-drug test na uli si Luis Manzano, ay tatantanan na siya ng mga mapaghanap ng butas na hindi sapat ang jingle lang bilang sukatan ng kawalan ng droga sa katawan.

Ipinipilit kasi nu’n ng iba na sa ibang bansa ay dugo at buhok ang ginagamit sa pagpapa-drug test, kaya para matapos na ang pangunguwestiyon sa kanya, buhok ang ginamit ni Luis sa ikalawa niyang pagsailalim sa drug test.

Gaya rin nang dati ang resulta, negatibo ang aktor sa droga, hindi niya naman ‘yun ipinagmamayabang pero gusto niyang ipaabot sa publiko na negatibo ang naging resulta ng ikalawa niyang drug test.

May mga bulung-bulungan kasi nitong mga huling panahon na kasama ang pangalan ng aktor sa listahan ng mga artistang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Pero kaya nga tinawag na haka-haka lang ay dahil walang kahit sinong makapagkukumpirma ng balita.

Mabuti na ring sumailalim uli sa drug test si Luis Manzano na buhok ang ginamit niyang specimen, wala na sigurong masisilip pa ang iba ngayon laban sa kanya, maliban na lang kung talagang gusto siyang buwisitin ng mga taong walang magandang pinagkakaabalahan sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending