Kim: Kabado po ako sa muling pagtatambal namin ni Gerald! | Bandera

Kim: Kabado po ako sa muling pagtatambal namin ni Gerald!

Reggee Bonoan |October 27,2016
facebook
share this

Kim: Kabado po ako sa muling pagtatambal namin ni Gerald!

Reggee Bonoan - October 27, 2016 - 12:01 AM

kim chiu at gerald anderson

NABUO ang pagbabalik-tambalan nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin matapos mapanood ni Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal ang ASAP concert sa New York, USA noong Setyembre.

Nakita raw kasi niya ang magandang chemistry ng dalawa at ang mainit pa ring pagtanggap ng mga kababayan natin sa Amerika sa KimeRald.

Hindi naman itinanggi ni Kim na noong una ay may agam-agam siyang tanggapin ang project kasama ang ex-boyfriend, “Ako po, siyempre pag umoo po ako at humindi, meron naman ding iba’t ibang reaksyon sa dalawang desisyon ko na ‘yun and siguro po it’s about time na rin. Ang luma na ng isyu.

“Nu’ng panahon namin ni Gerald, walang Twitter, Instagram, walang social media nu’ng magka-loveteam kami. Kaya kinakabahan po ako kung ano ang magiging reaksyon ng tao, siyempre and I’m challenged to face kung anuman ang sasabihin nila,” paliwanag ng dalaga.

Sa panig naman ni Gerald, “Actually, nauna ako talaga sa project na ito nu’ng nalaman ko na may element na triathlon kasi nagti-training naman talaga ako. Tapos nang malaman kong si Kim ang leading lady ko, hindi na excitement yung naramdaman ko, siguro very thankful.

“Actually as we speak, hindi ko alam ang sasabihin ko kasi this is a very special moment for me, the last time na nakatabi ko siya (Kim) sa ganitong event siguro 21 years old ako (27 na ngayon ang aktor),” sabi ng binata.

Akala kasi ng lahat ay imposible nang mangyari na muling magkatrabaho ang dating magkarelasyon.
“Ako naman, lagi namang optimistic kasi sabay naman kaming nagsimula, mga fans na sumuporta sa amin laging nandiyan at with her new fans, alam ko namang this is gonna big something for her also kasi nakita ko ang dedication niya sa trabaho.

“Matagal ko na ring gustong makasama si Kim at imposibleng hindi kami magkakasama ulit kasi nag-start kami sa reality show at 10 years after, nandito pa rin kami,” ani Gerald.

Kasama raw si Mr. M (Johnny Manahan) sa nag-push kay Kim na tanggapin ang project, “Sabi ni Mr. M bakit hindi ko raw tanggapin ‘yung project kasi challenge raw ito sa akin since hindi na ako teenager, hindi na pa-tweetums , pa-cute,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, ngayong araw ang first taping day ng Ikaw Lang Ang Iibigin at magkakaroon ng training ang mga bida ng serye ng triathlon sa Thailand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending